K&B III lyrics by CLR, Omar Baliw
‘Di ‘to papausig
Sandata ko ay music
Binitawan ko na ang baril pati ang lubid
‘Di tinablan ng covid
Kung dati ay napapanaginipan ko lang ‘to pare
Ngayon ay parang napaka-lucid
Oo malinaw na
Yung sayo klaro ba?
Sa rear-view mirror ko,
‘Di na kita makita
Sa pangatlong lap na ‘to
Kami ay petik na
Natalo ko na ang laro
Ngunit ang sabi ko, isa pa!
Tanging kalaban lang ay oras
Bitbit ang panlunas para bukas
Panghilom ng mga sugat
Panghilom kay daghang ahas sa gubat
Sa loob ng kunwa na ito gyera na kaagad
Pare walang ng usap-usap (real-talk)
Pinaka mailap
Pinaka masinop
Mata’y laging nasa ulap na
‘Di nagpapasikat
Bagkus kumukutitap
Bituwin na ‘ko kahit ako’y nasa lupa pa
Madami-dami na ang nalilikom
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”
Madami-dami na ang nalilikom
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”
Ugh, napapatapik sa dibdib sabay turo sa taas
Buti nakatakas, sa kahapon ay nakalabas
Bagong pahina, bago pa magpahinga
Isasagad ang hangin kahit hindi na makahinga
Tila makina matik premyo akin na
‘Di na rin problema yung lamesa, may pagkain na
Kaya hamakin man, ‘di na yan iniinda
Tinutukan lang din kung ano aking tinitinda
Sinarapan, tinandaan lang
Mga ‘di matanggap, kinindatan lang
Kaya ginanapan, diniligan lang
‘Di na tinapatan, ginalingan lang
Kami’y di nag-iba, ‘di matibag
Ang misyon pa rin kahirapan ibalibag
Galing sa wala, sa baba at nangangapa
Kaya ibabangon ko kung sino man ang nadadapa
Madami-dami na ang nalilikom
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”
Madami-dami na ang nalilikom
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”
Walang ibang kikilos kundi ikaw
Walang ibang maririnig kung ‘di isisigaw
Walang iba kundi sarili ang mananagot
Walang iba, alam nyo na, kaya maabot
Walang ibang aawat, nakalarga na
Walang ibang paangat, nakalagda ka na
Walang iba, basta alam mo na ang silbi mo
Walang iba, kita nila ngayon ang tindi mo
dahil…
Madami-dami na ang nalilikom
Ibabalik din lahat mas higit pa
CLR, Omar B yo!
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”
Madami-dami na ang nalilikom
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”
Madami-dami na ang nalilikom
‘Di pero kundi respeto lang ang iniipon
Ibabalik din lahat mas higit pa
ni “wanakoy” at ni “alam mo na, walang iba”