Categories
Apekz Sixth Threat

Kulisyon ft. Apekz

Kulisyon ft. Apekz lyrics by Apekz, Sixth Threat

May umaalulong
Ano nga ba yaong kahulugan na gustong
Paabot nung malutong nyang pabulong
Kaya ko ba to? naguguluhan nako kung
Sasapat ba tong nabuo kong bara para makatugon,
Yoko ng tumungtong ng biglang humakbang pasulong
Tara
Tanaw ko na entabladong andun hala
Dahan dahan nalang nawala yung kaba
Di ko hahayaang magmukha lang muntanga
Kabisado ko na yung dala
Mga hiyawang malutong aba
Laban sa laban na to kumbaga
Di bale nalang kung pasado ba sainyong mga
Naisulat ko bahala nalang kayong maki kumbaya
Palaging nakatodo kahit minsan masabihan linya’y tila pa konyo
Kahit anong bitbit basta’t mabisa ay otomatik na maiiwan bilang Pinakamatibay sa trono
Sige nga sige nga
Labas mo lahat ng baon
Sige nga sige nga
Sayang din naman yung utak mong piga na piga
Kung balot ka ng hiya , tama na yung ka kekesyo
Dibdib mo dinadaga, tingala!
Di na para isa sa himala
Daanin ba sa chamba? (nope)
Daanin mo sa ganja, di manatili kang kalmado
Alisin yung pangamba kontrolado mo na to
Idiin mo pa ng maging

Sagad sa kundisyon
Sapagkat may kulisyon
Sagad sa kundisyon
Sapagkat may kuisyon
Sagad kundisyon

Salpukan na agad walang marami pang tanong
Hindi yung ipong kakagat pag panis na yung hamon
Kung talagang palag palag magsalita kana ngayon
O baka nawalan na ng bayag parang hapit na pantalon tara
Nakahanda na sandata pati bala at sasagasaan ang mga barikada
Galing hilaga na nadiskubre
Parang kayamanan na nakaekis sa mapa
Tiwala sarili ensayo ng maigi walang atrasan pahabaan ng pisi
Sa larangan pataasan ihi pag ako ang napili
Parang nakulong kasama umaalulong na tigre
Makatang laging paahon pwede magbarong pero
Di makakahon ganon kasimple
Omsim pre
Ito ay sining kaibigan
Bawal ang pilit baka sabihin madaling lang
Mas pipiliin ko ang maging pihikan keysa
Gumawa ng linya na hindi pinagisipan
Ouch!
Parang sinindihan pipa pinakagutom nananatiling masiba
Mga balat sibuyas nagiiyakan sa tira
Ay gigisahin sa sariling mantika
Pang kometa ang bagsakan kaya parang
Mga talang nagbanggaan
Ramdam haggang kalawakan kala mo nagretiro
Kasi walang kalaban laban
Wala ng preno tabi baka masagasaan
Bakit iiwasan ang mga nakahambalang
Di ko na kasalanan kung may bayag na matapakan
Nagpaalam sinadya mong humarang sa’kin daanan

Sagad sa kundisyon
Sapagkat may kulisyon
Sagad sa kundisyon
Sapagkat may kuisyon
Sagad kundisyon

I can never be the most viewed I know
Bilang lang kasi’ng namulat
And my tracks arent for attracting views
Saktong mga baray rekta sa utak
Shit
Pag nilatag mong rap deep
Samantalang pag tungkol sa weed at sex
Matik pamihado na yaong mas click
Lam nyo yung mas nakakapikon tong
Mga bagong pasok ibang klase
Kung hindi rakista, vlogger o kung ano ano pano sa genre itinatae
Tila andami, dami na nga nilang naki
Singit pagkat akala’y instant moneyyy.
Habang sila lang din yung kumukutya sa hiphop dati,
Nung wala pang fliptop, grabe
Talagang masakit pag nagbabanggit
O baka’y nakakalimot kayong RAP
Hango sa katotohanan na mapapait
Kapalit, nakamit respeto ang balik pagbaba ng entablado
At magiging lakas na aking pagkukunan
Dala dala saking susunod na pag panhik

Sagad sa kundisyon
Sapagkat may kulisyon
Sagad sa kundisyon
Sapagkat may kuisyon
Sagad kundisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.