Categories
Michael V

Ngayon Artista Na Ako

Ngayon Artista Na Ako lyrics by Michael V

Nung una, hindi mo ko pinapansin.
Nung una, lagi nalang sa iba nakatingin,
Iba ang iniisip mo, Hindi kailan man ako.

Nasan ka na kaya, ano kayang laman ng isip mo.
Nung dati, iniiwasan mo ko,
Nung dati, ayaw mong marinig ang pangalan ko
Ngayon heto ako, siguradong naririnig mo.
Ano ngayon ang masasabi mo,
Ngayong artista na ako

Siguro’y pinagmamalaki mo, nanligaw ako sayo.
Siguro’y ibinibida mo na binasted mo ako
Hindi kita masisisi kung lumuluha ka sa gabi,
Hinahaktan ang larawan ko,
Ngayong artista na ako.

Nung dati, ang sabi mo baduy ako,
Ano ngayon ang masasabi mo sa dorchenta bana ko.
Sa polo kong Ralph and Ralph, sa Rolex na hindi hulugan,
Sa pantalong si Armani nag design, At sa aking brief na Calvin Klein.

Siguro’y pinagmamalaki mo, nanligaw ako sayo.
Siguro’y ibinibida mo na binasted mo ako
Hindi kita masisisi kung lumuluha ka sa gabi,
Nagagalit sa sarili mo,
Ngayong artista na ako.

Alam kong nanghihinayang ka,
Na hindi naging tayong dalawa.
Sa gabi, iniimagine mo ako,
Naka swimming trunks nasa beach tayo
At siguro kung alam mo lang,
Hindi mo na sana ako pinakawalan
Ayaw mo pang aminin,
Hanggang ngayon in-love ka pa sakin

Siguro’y pinagmamalaki mo, nanligaw ako sayo.
Siguro’y ibinibida mo na binasted mo ako
Hindi kita masisisi kung lumuluha ka sa gabi,
Nanghihinayang na hindi tayo,
Ngayong artista na ako.

Siguro’y pinagmamalaki mo, nanligaw ako sayo.
Siguro’y ibinibida mo na binasted mo ako
Hindi kita masisisi kung lumuluha ka sa gabi,
Hinahaktan ang larawan ko,
Nagagalit sa sarili mo,
Nanghihinayang na hindi tayo,
Ngayong artista na ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *