Categories
Omar Baliw

Pagkatapos

Pagkatapos lyrics by Omar Baliw

kanya-kanyang pasanin, kanya-kanyang aray
iba’t-ibang bagahe, iba’t-ibang sakay
iba’t-ibang hangarin, dasal sana palarin
at kung hindi mo kikilusan yan, wala rin
merong patibong, ang misyon nila harangin
ang oras mo sayangin at ikaw ay pabagalin
sagada ng pasensya, dito pisi pahabaan
sulit bawat oras kase buhay pasarapan
first hand naranasan, on the spot kong nalasahan
salamat lang isasagot pag ika’y napasahan

ugh, pagkatapos ng lahat
pagkatapos madapa, pagpag tuhod, maglakad
giginhawa din lahat pagkatapos masagad
kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat
ugh, pagkatapos ng lahat
pagkatapos madapa, pagpag tuhod, maglakad
giginhawa din lahat pagkatapos masagad
kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat

tila nagsawa lang din sa kahirapan na sa akin pinamana
ang daming mali na aking itinama ang utak agad pinagana
nanatiling mulat inalam ko lahat, inakyat ko mula sa baba
‘di ganun kadali pero may paraan pag ang utak mong dala mataba
napakaba ng byahe ko pero ni minsan hindi nagawang mainip
sinubukan lang baka masagip, ako ‘yun batang kakaibang mag isip
‘di mapatay ang bumbilya, turnilyo ko pa ay parehas na maluluwag
tunay ako hanggang kaluluwa, pundasyon na hindi mabubuwag
bugnbugan ng utak sunugan ng kilay, nag-iisip lang magdamag
gamit ko bulok na computer parang pagong sabay dasal na wag mag lalag
‘di pa nag aalmusal ‘di pwedeng malingat, may dala na akong mabigat
pag-abot sakin ng bayad, kwentuhan lang konti, apiran lang sabay sibat
dinaanan ko yan, natutong mag tiis at sa kumot ay namaluktot
pinalagan ko lahat at nabago ko yan tapos na araw na malungkot
buti na lang ako’y naging kalmado, steady sa gedli, lakas ng dating
tignan mo ako ‘yung dating praning, na akala mo ‘di magaling

ugh, pagkatapos ng lahat
pagkatapos madapa, pagpag tuhod, maglakad
giginhawa din lahat pagkatapos masagad
kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat
ugh, pagkatapos ng lahat
pagkatapos madapa, pagpag tuhod, maglakad
giginhawa din lahat pagkatapos masagad
kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat
ugh, pagkatapos ng lahat
pagkatapos madapa, pagpag tuhod, maglakad
giginhawa din lahat pagkatapos masagad
kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat
ugh, pagkatapos ng lahat
pagkatapos madapa, pagpag tuhod, maglakad
giginhawa din lahat pagkatapos masagad
kalmado at banayad, pagkatapos ng lahat

Leave a Reply

Your email address will not be published.