Categories
Gloc-9 Skusta Clee

Kumpisal

Kumpisal lyrics by Gloc-9, Skusta Clee

Sa dami ng
Beses na Ika’y tinawag
Para lang
Maningil sa Iyo ng
Patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pag palain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
‘Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli

Bakit naparito ka anak?
Ako po ay nagkasala
Kapatawaran mo ay tiyak
Sakin ika’y maniwala
Kita mo naman ako’y tapat
Para sa inyong pagpapala
Kahit itanong mo sa kanya

Ang mga mata ko ay dilat
Sa mga maling akala
‘Di nakikita kahit mulat
Ang mga pandaraya
Ang kasamaan ba’y may ugat?
Sino ba ang may sala?
Hindi ako kasi sinabi niya

Sa dami ng
Beses na Ika’y tinawag
Para lang
Maningil sa Iyo ng
Patawad
Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pag palain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
‘Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli

Ilan pong Ama namin
Ilang aba Ginoong Maria
Ngunit ng aking silipin
Hindi si Padre ang aking nakita

Ang tagal tagal ko nang gustong magsalita
Para ‘di na yung mga maling gawa-gawa
Hindi kasi ginagamot kaya namamaga
Ang gabutil noon ngayon ay malala
Sinabi ko daw ito at ginawa ko ‘yan
Nagpakita daw ako sa mga iilan
Pag hingan ka ng pera huwag maniwala diyan
‘Di mo kilala ang ‘to na napagkamalan
Basta tandaan mo lang ang sasabihin ko
‘Di yung pilit na ipinapagawa sa’yo
Sa dami ng sumusumpa sa mundong ito
Alam ko na mahirap hanapin
Ang totoo
Kung tutuusin ay isa lamang ang kasalanan
Pagnanakaw napakadaming magagawa diyan
Nakawin ang totoo kasinungalingan
Ninanakaw ang dangal ng kababaihan
Nakawin ang puso ng nagmamahal
Nakawin ang oras mo sa minamahal
Nakawan ng respeto kahit ang hangal
Kapag ninakaw ang buhay gilitin ng punyal
O kahit ano pa ‘yan basta kinuha mo
Ang kahit kapirasong saya na hindi sa’yo
Huwag mong kalimutan ‘to uulitin ko
Kasi napipikon ako sa mga gawi mo
Hindi ka pwedeng mabait sa mga mayayaman
Pero ang mga mahirap ay tinatapakan
Upang magmukhang tuwid
Lahat binabasahan
Pero ang kanyang katulong ay binabasahan
Kilala ko naman lahat ng mga bulaan
Kahit na umilag ka ay tinatamaan
Para lang mapagtakpan ang mga kasalanan
Palagi mong isinisigaw ang Aking pangalan

Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan
Dahil sa pangako Mong pagmamahal
Na walang hanggan
Pag palain mo akong muli
Aakayin ng walang atubili
‘Di bibilangin ang pagkakamali
Patawarin mo akong muli

Leave a Reply

Your email address will not be published.