Categories
Flow G Gloc-9

Ibong Adarna

Ibong Adarna lyrics by Flow G, Gloc-9

Mahal, kamusta?
Masarap ba gising mo?
Buti nakatulog ka
Ako, ‘eto, simula nu’ng nangyari lahat ‘to ay binabangungot na

Ligaw na ligaw, ‘di alam kung sa’n pupunta
Halos malunod na
Dahil sa pagkalugmok na may halong lungkot
Kaya laging nagluluksa

Nabugbog pa
Kahit na utak ko lang ang kalaban, ako ay nadurog
Kahit na sa tinik, ako’y natusok ay naging tahimik
Hindi na rin para humugot

May luhang tutulo tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot
Ako ay nahulog
Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot

Pero ‘wag mag-alala
Kahit papa’no, nakakahinga
Hindi nakatulong ‘yung kasabihang
‘Pag napagod ay kailangan lang magpahinga

Ilang gabi na
Na nakadilat pa rin ako kahit gabing-gabi na
Pero hindi pa rin nagmakaawa
Kahit na kawawa’t aping-api na

Ikaw, kamusta ka d’yan?
Sana hindi mo ‘to mapakinggan
Kasi ayoko sabihin mo sa sinabi ko, ikaw ang pinaparinggan

Sumakay ako sa alon mo
Kasi akala ko pareho tayo na gustong magkapitan
Eh ‘di sana ‘di na nagka-interes sa interes
Ito ang bunga ng kapital

‘Di ko alam pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
‘Yun ang ‘di ko kaya

Buti ka pa, parang hindi mo iniinda
Habang ako ay hirap na matulog at sana’y hindi na gumising pa
Gusto ko ng medisina para hindi na makadama ng sakit sa tuwina
Pampamanhid, bibilhin ko agad kung mayro’n mang nagtitinda

‘Di ko na pinilit alamin ang totoo
Kasi iniisip ko baka mas lalong gumulo
‘Yung sabay natin na binuo
Nawala rin kaagad kasi puno ng alaala, madugo

‘Pagka mag-isa, nakaupo, madalas nakayuko
Kasabay ng luhang ayaw matuyo
‘Pag may kaharap na ibang tao
Naku po, magpapanggap na buo

Kailangan masaya ako palagi
Kahit na hindi na katulad ng dati
Para ‘di nila isipin na nahihirapan ako sa lahat ng nangyayari

Sinasarili ang bawat kirot
Na pinapasan sa likod
Ako’y nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga imbis na hinog

Mahirap magpanggap na ayos lang, kaso kailangan
Sa ganitong kaganapan ay dapat agapang makita ang ‘yong kahinaan
Para ‘di kaawaan o pagtawanan
Mahirap palang maranasang masaktan sa kamay ng napiling pakisamahan

‘Di ko alam pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
‘Yun ang ‘di ko kaya

Sana ako’y tulad ng iba
Kaya kang iwanan d’yan nang mag-isa
Luha mo ay hindi pupunasan
Tatawanan pagkatapos sugatan
Hindi gano’n

Tinulungan kang makalipad
Para sa ‘yo ay nakahanda akong gawin ang lahat
Wala na sa ‘king natira, balewala pa
Pakinggan n’yo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna

Bakit gano’n ang panahon?
Ako ay napakaraming tanong
Akala ko ay dinala kita sa palasyo
Pero sabi mo ay kinahon

Ang dating tayo na palaging masaya at nagsasama nang matiwasay
Init ng apoy na namamatay panggatong ay ako na lamang ang naglalagay
(Ano ba sa iyong palagay)

Inakay na kita makadaan sa landas na madilim
‘Di naman ako ‘yung tipo ng lalaking iiwanan ka na lamang
Kasi natapos na kitang pitasin

Napakahirap abutin, ‘di mo ba napansin?
Dinidiligan ko ang ‘yong hardin
Inaabangan na dumating
Bakit madalas ka na yatang inaabutan ng dilim?

O, bakit parang lumalalim ang sugat?
Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat
Alam ko na siya ang nilalaman ng sulat
Mabigat, pero hindi na magugulat

Hinihintay kitang makauwi
Lumuluha kahit nakangiti
Lungkot na palagi kong buhat, hindi ko masukat
Pilitin ko mang ikubli

Balita ko may sinasabi
Ang mga chismosa na ale
‘Di ko inakala ‘to, grabe
Sa ulo ko ay may tae

‘Di ko alam pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
‘Yun ang ‘di ko kaya

‘Di ko alam pa’no nangyari ‘to lahat
‘Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari’t naganap
Kaya maging ako’y gulat na gulat

Mga alaala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa nang magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
‘Yun ang ‘di ko kaya

Leave a Reply

Your email address will not be published.