Categories
Clien Crakky MC Einstein MCKVICOUS

Kung Ako

Hindi mo ba napapansin
kanina pa ako sayo
nakatitig
Sa mga mata mong singkit
napatulala ako
at nabighani
Sa dami dami pwede
pang mapili
Ikaw lang talaga ang
gustong makapiling
Kaya baby wag ka nang
mag sinungaling
Feel ko kasi balang
araw sakin ka aamin

Hanggang kailan kaya
ako mag hihintay sa’yo
Aminin mo kasi para
lahat malaman ko
Kung sakaling maging tayo
lahat ay gagawin ko
Kaya wag kang mag-alala
ako na ang bahaka sa’yo

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Baby hola hola
Masyadong halata na
Matagal na kitang gusto makasama
Kapag naglalakad, ngiti agad
Ano na yang my god
Napakagandang dilag
Kaya laging sinasabe ko sa’yo
Balang araw ay mapapasakin ka
Sabihin ‘man nila na
Malabo ‘di ako kabado
Alam ko na aamin ka

Inaantay ko lang ang
araw na tayo ng dalawa
Alam ko na sasama ka
ayaw mo lang pahalata

Baby ako ang para sa’yo
ikaw ang akin
Alam ang kasagutan
kahit ayaw mo umamin
Libre and palasyo ko
pwede mo ‘ko dalawin
Basta pagkatapos
titira ka na sa amin

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Dito ka lang tumigin
Ako nalang kasi yung lingunin
‘Di lang ako sa una magaling
Na magpapakilig tapos
mawawala ng bigla
Pupunta na sa iba
At pag nanawa ay
parang ‘di ka na kilala
Ilan na ba yung dumaan
sayong nanakit?
Pabayaan na kasi meron
ka ang pamalit
Nandito lang ako
hindi ako nagbibiro
Kasi alam ko rin yung
pakiramdam masaktan at
umiwing bigo
Sana naman ay ‘di ka na
magkamaling pumili
Kasi kapag nangyari yun
ikaw ay mag sisisi
‘Di kita pinipilit ha
Wag ka ng mairita
Gusto ko lang naman
kasing ikaw ay
maging masaya
Kung sino man saamin
ang maswerte
Tumanggap ng oo mo
Nako ay pag-isipan
mong maigi
Kasi panalo ka
kapag ako
Walang sakit sa ulo
At tiyak akong ikaw ay

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Makakasigurado kang hindi ka talo
Kung ako ‘man ang piliin mo
At ‘di na ako aalis pangako
Kung ako ang pipiliin mo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *