Categories
Clien L.A. GOON$

Sana’y Mapasakin

Sana’y Mapasakin lyrics by Clien, L.A. GOON$

Umaasa ako na sa akin ka palarin
Sana nga’y balang-araw tulad mo’y
Mapasa’kin nang walang pangangamba
Talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Simple lang ako
Sagutin mo lang ako
At araw-araw kitang liligawan
Iingatan, kunan ng larawan
Umaraw man at umulan
‘Di kita iiwan, ‘di tulad ng iba diyan
Ang dami diyan nagpapaikot, nagpapakipot
May plano nga kayo pero ‘di ka sinipot
Ako nama’y nandito lang, hinding-hindi maglilikot
Lahat ng tanong ko, ikaw ang sagot
Wala na ‘kong balak pang magsayang ng oras (yeah)
Malay ko ba kung nandito pa ‘ko bukas (uh-huh)
Kaya baka pwede tayong lumabas (god damn)
Yaan mo, akong bahala sa mga ungas (ssh)
Kaya sana’y pag-isipan mong maigi
At kung hindi tayo pwede
Laging mo na lang tandaan
Ako ay nandirito sa iyong tabi
At ito ang aking paulit-ulit na sinasabi

Umaasa ako na sa akin ka palarin
Sana nga’y balang-araw tulad mo’y
Mapasa’kin nang walang pangangamba
Talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Pinapalangin ko na sana’y balang-araw
Mapasa’kin ang isang katulad mo
‘Wag ka nang magpakipot ikaw lang talaga ang hinihiling ko
Matagal na kitang gusto makasama
Pwede bang ako na lang sana
Ipapangako ko lagi kang iingatan
Tuparin mo lang hiling ko
Araw-araw sasamahan ka
Kahit malayo pa
Papangitiin ‘pag malungkot ka
Kasi ikaw ang nagbibigay ligaya
Sana nga’y dumating kasi kailangan kita
Pagod na kasi ako na mapag-isa

Umaasa ako na sa akin ka palarin
Sana nga’y balang-araw tulad mo’y
Mapasa’kin nang walang pangangamba
Talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Matagal ko nang pangarap
Makasama ka sa ulap
Tila nanaginip ng dilat ang mga talukap
Dila namilipit sa bigat at ganda ng hinaharap
Sisisirin ko ang lalim ng hiwaga
Makasama lang nag-iisang diwata
Tumingin sa ‘yo ay ‘di ko maiwasan
Papasukin mo at mundo ko’y handa ko nang iwanan

Umaasa ako na sa akin ka palarin
Sana nga’y balang-araw tulad mo’y
Mapasa’kin nang walang pangangamba
Talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Umaasa ako na sa akin ka palarin
Sana nga’y balang-araw tulad mo’y
Mapasa’kin nang walang pangangamba
Talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.