Categories
Yayoi

Paraya

Paraya lyrics by Yayoi

Nakakagulat biglaang mong pagbungad
Hulaan ko kung ba’t umiiyak ka
Nahihirapan ka ba na bitawan
kita ko namang mahal mo siya
Kung maiiwan lang naman ako,
Ayoko ng patagalin pa to
Hindi rin naman pwedeng
Dalawa kaming may-ari sayo

Sabihin man sakin mahal din ako
Di parin sapat natatakot ka lang
Mawalan ng taong mas mahal ang lahat sayo
Kung hindi pipiliin handa na
akong hayaan kana
Kung saan ka magiging mas masaya

Kung di ako kailangan mo para mabuo
Handa na akong bitawan ka
Hayaan kung saan ka magiging masaya
Kung hindi ako di na ipipilit ang sarili sayo
pagod na akong masaktan pa
Hindi na ako lalaban
Kung di na ako

Sawa na ako (Sawa na ako)
Na maging sandalan mo (maging sandalan mo)
At maging takbuhan mo
sa tuwing ika’y magulo ako ang taga buo
Ngunit hanggang panakip lang ba ako
Lagi sa tuwing may pagtatalo kayo

Sabihin man sakin mahal din ako
Di parin sapat natatakot ka lang
Mawalan ng taong binigay sayo ang mundo
Kung hindi pipiliin handang lumayo’t hayaan ka na
Kung saan ka magiging mas masaya

Kung di ako ang kailangan mo para mabuo
Handa na akong bitawan ka
Hayaan kung saan ka magiging masaya
Kung hindi ako di na ipipilit ang sarili sayo
pagod na akong masaktan pa
Hindi na ako lalaban
Kung di na ako

Leave a Reply

Your email address will not be published.