Categories
JM Bales KVN

Magandang Dilag

Magandang Dilag lyrics by JM Bales, KVN

Magandang dilag
Puso ko’y ‘yong nabihag
Wala ng ninanais
Ligaya kang labis
Oh… magandang dilag

Bawat lakad mo lahat sila napapatingin
Di mawari ba’t ganun ang nangyayari sa akin
Isang ngiti mo lang parang nakakabaliw
Ano bang ginawa mo ako’y naaaliw

Tinatanaw-tanaw kita
Para bang isang tala
Sa gitna ng kalawakan

Oh… magandang dilag
Puso ko’y ‘yong nabihag
Wala ng ninanais
Ligaya kang labis
Oh… magandang dilag
Ohhh…

Magandang dilag
Puso ko’y nahalina
Wala ng ninanais
Biyaya ng langit
Oh… magandang dilag

Kahit na pilitin pang umiwas-iwas sayo
Oh paikot-ikot ka dito sa isipan ko
Wala na ngang iba nag-iisa ka lang
Nag-iisang bituin sa kalangitan ko ohh

Tinatanaw-tanaw kita
Para bang isang tala
Sa gitna ng kalawakan

Oh… magandang dilag
Puso ko’y ‘yong nabihag
Wala ng ninanais
Ligaya kang labis
Oh… magandang dilag
Ohhh…

Magandang dilag
Puso ko’y nahalina
Wala ng ninanais
Biyaya ng langit
Oh… magandang dilag

Pano sasabihin na paghanga’y lumalalim
Parang bulalakaw
Nahuhulog tong damdamin.
At kahit na anong sabihin
‘ka’y nag-iisang panalangin
Na twina ay hiling na sana nga mapasakin

Tinatana tanaw ka
Sana’y tinadhana ni bathala
Para bang nagniningning na tala
Anong hiwaga, masulyapan lang
Natutulala

Sa gitna ng kalawakan

Oh… magandang dilag
Puso ko’y yong nabihag
Wala nang ninanais
Ligaya kang labis
Oh… magandang dilag

Oh… magandang dilag
Puso ko’y nahalina
Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
Oh… magandang dilag

Wala nang ninanais
Biyaya ng langit
Oh… magandang dilag

Leave a Reply

Your email address will not be published.