Marupok

‘Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
‘Wag kang mangisturbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, ‘di mo ko maloloko
‘Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok

Tao po
Bigla akong napalingon sa’yo
Isa, dalawa, tatlo (isa, dalawa, tatlo)
Ngiti palang nahulog na ako (iba ang kinang ng iyong mata)
Iba ang tibok ng puso ‘pag ikaw ang kasama
Misteryoso, tahimik, sadyang mahilig magpaasa
Ay nag-chat ka pala, ito na ang unang kabanata
Lulubog, lilitaw, huwag ganyan sa isang marupok

‘Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
‘Wag kang mangisturbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, ‘di mo ko maloloko
‘Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok

Sorry na marupok

Babangon sa umaga
Good morning mo unang hinihintay
At minsan, inuumaga
Hinihintay kung kailan ka mag-re-reply

Hinawakan mo na ang aking kamay nung isang araw
Sabi mo, ako sa’yo’y mahalaga
‘Pag kasama na ang pamilya’t mga kakilala
Pakilala mo sa aking, “kaibigan ko lang po siya”

‘Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok
‘Wag kang mangisturbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo, ‘di mo ko maloloko
‘Wag kang kakatok kung hindi ka rin papasok

Sorry na, marupok

Sabi ko tama na
Hindi na kita babalikan
‘Di mo kayang panindigan ang mga sinasabi mo
Puso ko’y hindi laruan
Madalas akong nasasaktan
Alam ko naman na katangahan
Ang umasa sa paasang katulad mo

‘Wag kang mang isturbo kung bigla ring maglalaho
Alam ko ang galawan mo (‘di mo ko maloloko)
‘Wag kang kakatok
‘Wag kang kakatok (kung hindi ka rin papasok)
‘Wag kang kakatok

Kung hindi ka rin papasok
‘Wag kang mang isturbo kung wala ring magbabago
Alam ko ang kailangan ko, ‘di na magpapaloko
‘Wag kang kakatok
‘Wag kang kakatok
‘Wag kang kakatok
‘Wag kang kakatok
‘Wag kang kakatok kung hindi naman papasok

Sorry na, marupok