Takusa

Ayan ka na naman hay naku naman
Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
Hindi naman ako gagawa ng masama kung nandyan ka
Pero kung wala siguro nga
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Wohh

Ako’y takot sa ‘king asawa bigla kong naalala (yeah)
Muntik na ‘kong mahuli kaya dala na (wohh)
‘Wag kang mag-alala kasi walang iba na (yeah)
Makakatalo ng ugali mo, wala pa
At kahit na siguro mas maganda pa siya
‘Di pa rin matutukso kasi panalo ka na
‘Wag ka nang tamang hinala (‘wag ka nang tamang hinala)
Sa pagkuda mo ako’y sawa na (sa pagkuda mo ako’y sawa na)

Kaya kahit paulit-ulit ka sa akin nagagalit
‘Di pa rin ako susuko kahit ganyan ang ugali
Isa lang naman aking hiling sana’y bigyan mo ng pansin
‘Di mo na kailangan mag-isip sa ‘yo lang naman ako titingin

Ayan ka na naman hay naku naman
Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
Hindi naman ako gagawa ng masama kung nandyan ka
Pero kung wala siguro nga
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Wohh

Bakit lagi kang namimintang
Kala mo lagi ka na lang kasing nililinlang
Ikaw lang naman yung love
Kaya ‘wag over react
Hindi ko nga kilala yung hinuli mo on act
Tanggap ko naman kasi kung madada ka (madada ka)
Kaya nga mas pinili kang mapangasawa (mapangasawa)
Kilala mo naman yung lagi kong kasama
Baka parehas lang kasi kami ng kama
Kaya ‘yan nandyan, buti na lang ikaw yung nakakita
Malabo na rin kasi ‘yung mata ko pambihira
‘Wag nang init ng ulo ‘yung unahin mo dyan
Isipin mo na buti na lang hindi ako nasaktan (‘di ba)
Hindi ka naman kasi magagawang lokohin
Alam ko naman kasi na mas lalaki ka pa sa ‘kin
Tama na yung hinala ‘di ko naman yun gagawin
Nag-asawa ka ng pogi eh alam mong habulin (hehe)

Ayan ka na naman hay naku naman
Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
Hindi naman ako gagawa ng masama kung nandyan ka
Pero kung wala siguro nga
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Wohh

Nag-iba ang nakasanayan sa dapat na gawin
Wala naman kasi akong iba na gagalawin
Bahala ka na kung ano man ang isipin mo
Magkakasama lang kami anong lilihim ko
Binibigay naman agad sa ‘yo lahat ng money ko
Mahal pa rin naman kahit na medyo malikot
Mga binibintang mo ay walang kinalaman
Sa ‘yo pa rin ako kahit mag eenie minie mo
Wala pang nangyayari, puro ka na lang hinala
Hindi pa nadadale ni hindi pa nga kilala
Kala mo palagi may ginagawa na mahiwaga
Wala sigurong masama kung ika’y magtiwala
Panay na lang mali ang ‘yong napapansin
Behave naman ako kahit pa sa’n mo dalhin
Kung may nakita kang iba hindi ko naman ‘yon kasama
Ayan ka na naman sa ‘di mamamansin yuh

Ayan ka na naman hay naku naman
Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
Hindi naman ako gagawa ng masama kung nandyan ka
Pero kung wala siguro nga
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Wohh

Bawat kilos ko’y mali sa ‘yo oh
Pinag-iisipan mo ‘ko ng masama palagi
May ibang babae kahit sa ‘kin lagi kang nakabuntot oh baby
Mga galaw ko ay nakabisa mo na
Kulang na lang na hilingin kong tama na
Tama na, tama na
Parang awa mo na
‘Di mo ba madama
Na ako’y takot na takot na mawala ka

Ayan ka na naman hay naku naman
Ramdam ko na kasing nakasunod ka lang
Hindi naman ako gagawa ng masama kung nandyan ka
Pero kung wala siguro nga
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Ako’y takot sa ‘king asawa
Ang tawag sa ‘min ay takusa
Wohh

ALLMO$T music, yeah