Categories
Diego on the Run Ez Mil Jae'Roze

MASKARA

MASKARA lyrics by Diego on the Run, Ez Mil, Jae'Roze

mula ng tayo’y nilikha
sumasablay nadarapa,
dumaraan ang panahon
tila hindi nagtatanda
‘kala mo’y ‘yong kaibigan
salahat ng bagay naintindihan,
ngunit ‘wag kang magkamali
at ika’y magdaramdam
ngunit ika’y magtataka
sila’y perpektong bumibida,
kung itaas kanilang noo
akala mo’y wala nang sala
laging sambit paumanhin
maka ilang beses na rin
ikaw parin dinidiin

you gotta beware
when you shave
the sheep’s coat,
’cause you’ll never know
if it’s a sheep or a wolf

hanggang saan naman tayo
mapapadpad sa pagbara?
hubarin ang maskara

sasabihing maka-dios
at galot sa mga bastos
ngunit ‘di makapagpatawad
‘pag dumating na ang unos
sa ganitong tao mag-ingat
mala-labanos kanilang balat,
ngunit pag talikod mo
ikaw pala’y kinakagat uhhh
nakayukod kanilang ulo,
nakapinid kanilang pinto,
akala mo’y nagbabanal
naka ngisi naman ang nguso
‘di mo na tuloy maisip
ikaw ba ay magagalit,
pero hayaan mo na lang
para huwag ka nang pumangit

you gotta beware
when you shave
the sheep’s coat,
’cause you’ll never know
if it’s a sheep or a wolf

hanggang saan naman tayo
mapapadpad sa pagbara?
hubarin ang maskara

nagtatago ang tunay na kulay
sana ay mahiwalay
at maipakita ang totoong taglay
nag tataka’y bakit ay ibang
iba humarap ka sakin
bakit nga’t ang maskara
sa iyong mukha ay tanggalin mo na!

dapat nang busingin
kayo ng tamang paningin
habang sa kapit-patalim
ako na nalapit sa dilim
taas nguso kung may galit
ka sa iyong puso na alanganin
na puro uso ang nakahain inaabuso
ang salitaing-prinotektahan ng ating
mga kinasusuklam na sino?
teka lang dayain niyo
sa pinabubuklod na chiko
yema lang nakain hanggang pinasulsulan
sa libo, pera ba ang pain
ng mga nag pudpod ng kutsilyo?
kaninong kasinungalingan
ang mas maputi kapag nagsipilyo?
sana sa katotohanan dumirekta
ang mga binatilyo
maalaga sa panga at baga
iawasan ang manigarilyo,
liyab ng gatilyo.
oh, ohooh

hanggang saan naman tayo
mapapadpad sa pagbara?
hubarin ang maskara

di ako nagmamarunong
ngunit hindi ako uurong,
‘di ko pwedeng ibulong
isisigaw ko sa bubong
tayong lahat nagkakasala
kaya’t huwag nang mag-aksaya,
ang panahon ay lumilipas
kailangan umunawa ka
kaya’t ngayon tayo’y matuto
bago matapos ang mundo,
na tayo’y dapat magpatawad
nang patawarin din tayo
mayaman man o mahirap
kahit laos man o sikat,
paghubad ng maskara
pantay pantay tayong lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.