Categories
Gloc-9 Grace Cristobal

Maulit Man

Maulit Man lyrics by Gloc-9, Grace Cristobal

May mga pangako na
Kahit’di masabi pa
Basta makasama ka sinta
Laging bubuhatin ko
Ang mga pasanin mo
‘Di kaya akayin ko sa tuwina

Kapit ka lang sa akin, ‘di tayo bibitaw
Salubong man sa hangin ay’di maliligaw
Mahigpit kang yayakapin kapag giniginaw
Ako lamang at ikaw

Ang siyang bida sa storya
At kwento nating dal’wa
Pupunasan ang luha
Kay’at panghawakan mo na

Gagalanging, pipiliin
Mamalagi lang sa iyo
Makapiling, susulitin
Kung maulit man ito
Hahanapin ako’y lagi
Lamang babalik sa’yo
At ang tanging dalangin
Ko lang ay ang pagmamahal mo

Tanda ko pa noon nung tila yata ang lahat
Kahit hindi sumisigaw ay palaging malat
Sumusugod sa ulan at hanging pasalungat
Pero kapag kasama ka ay walang mabigat
Bubuhatin at papasanin ko ang ano man
Pagmamahal mo sa’kin nais kong masuklian
Ngayon, bukas o kahapon aking babalikan
Basta para sa’yo ay hindi ko hihindian
Natutupad lang ang pangarap ‘pag kapiling ka
Balewala ang yaman ‘pag ako’y nag-iisa
Madami mang ‘di sigurado sa tanong nila
‘Yan lamang ang palagi kong sagot hindi maiiba
Palasyo man o kubo, kahit wala sa uso
Ako ang siyang kasama mo, malayo man ang dulo
Masugatan man ay hindi ko isusuko ‘to
Panghawakan mo, paka iingatan ko

Bawat sising pipiliin
Tumanda sa piling mo
Susuyuin, susulitin
Kung maulit man ito
Bawat linya ng storya
At kwento nating dal’wa
‘Di kailangan pang lumuha
Kaya’t panghawakan mo na
Kapit ka lang sa akin
‘Di tayo bibitaw
Salubong man sa hangin
Ay ‘di maliligaw
Mahigpit kang yayakapin
Kapag ginigaw
Ako lamang at ikaw

Ang siyang bida sa storya
At kwento nating dal’wa
Pupunasan ang luha
Kay’at panghawakan mo na

May mga pangako na
Kahit’di masabi pa
Basta makasama ka sinta
Laging bubuhatin ko
Ang mga pasanin mo
Ika’y aakayin ko sa tuwina

Leave a Reply

Your email address will not be published.