Categories
Gloc-9 Hero

PASAN

PASAN lyrics by Gloc-9, Hero

Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa’no ko pinasan hanggang patuloy gumaan

Di kailangan na magpasikat ilipat
Mo ang dala sa kabilang balikat ng maingat
Katulad ng papel at hawak mo na panulat
Dapat sigurado nakasintro ka sa sipat

Kong maraming nakahain magtira
Ugaliing ibahagi sa iba
kung hindi ka nakapasok ay baka
Napuno na di ka dapat magtaka
Tumaya ay magtanim ng galit ng matalim
Bakit mo naatim mamalagi sa dilim
Ugaliing magising ng maaga pitasin
Meron laging mas mahusay yan ang dapat lunukin

Kasi tandaan na, tatanda ka
Maiiwan na mas bata
Pero bago ko bitawan ang mikroponong ito
Sisiguraduhin kong di mo makakalimutan ang
Pangalan ko

Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa’no ko pinasan hanggang patuloy
Gumaan

Heto ang aking kwaderno, daming maling sulat na Makikita
Muntik na kong manghina pero embis na
Burahin tinuwid ko nalang ang linya
Wala ng balikan wala ng atrasan
Kung may dapat lingunin pinanggalingan ko nalang
Wala na kong dapat intindihin sa sasabihin
Ng iba tungkol saking anakaraan
Totoo palang maraming harang papunta sa kalayaan
Pag-asa’y parang dama talo ka’pag naubusan
Mas pinairal ang isipan kaysa sa nararamdaman
Kailangan kong kumain para may mapatunguhan

Kahit tingin nila sa akin isang paniksik
Panakip butas sa mga tulad nilang hilig manaliksik
Mas lalong pinakita ang pambihira at totoong bagsik
Naniwala ako sa sarili hanggang sa lahat na sila ay pumitik

Oh naranasan mo na bang masaktan
Na kahit anong gawin hindi malimutan
Oh naranasan ko na ring masaktan
Kaso ang kaibahan natin ay ang paraan
Kung pa’no ko pinasan hanggang patuloy
Gumaan (Let’s go)

Iabot mo ang respeto ng ito ay matanggap ko
(Naranasan) (Naranasan) (Naranasan)
Wag matakot na umamin ituro ang tamang landasin
(Naranasan) (Naranasan) (Naranasan)
Kahit na puno ang gatang ay iwasan mo ang yabang
(Naranasan) (Naranasan) (Naranasan)
Kasi tandaan na, tatanda ka
Maiiwan na mas bata
(Naranasan) (Naranasan) (Naranasan)

Leave a Reply

Your email address will not be published.