Categories
Because Hev Abi

MINAHALAGAD

MINAHALAGAD lyrics by Because, Hev Abi

[Verse 1: Hev Abi]
Minahal niya ‘ko kaagad
Sa inuman at totoo daw ‘di siya basta basag
Gusto niya ‘yung style ko pasahan sagad
Hating gabi hanggang mag-umaga na babad
‘Yung shanghai nauhaw sa kaniyang suka
Naabutan ng utol niya na kuya
‘Sang hapunan na ‘di ko makalimutan
Nabatukan, pero ‘di nagpasapaw
Dating apat, isang linggo naging araw-araw, pero
Pero ‘di ko kinakaya, madalas kaniyang ugali
Kapalit ng kailangan ko ay sugatan na labi
At ang amat ko nasa palad niya
Nasa loob ng salawal ko, ‘di matanggal

[Chorus: Hev Abi, Becauss]
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ‘to
Kahit matagal na tayong hindi nagkatagpo
Lagi kong pinapangarap, sa galit ‘di ka babad
Sapagkat minahal mo ‘ko agad (Ah-ah)
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ‘to
Kahit matagal na tayong hindi nagkatagpo
Lagi kong pinapangarap, sa galit ‘di ka babad
Sapagkat minahal mo ‘ko agad, ’cause

[Verse 2: Because]
Pareho no’ng walang alam, nais agad itodo
Hanap ko no’n text mate, hanap mo seryoso
Bakasyon ng Mayo, unang daya mo sa kwarto
Habang ‘yong suot ang kulay pula mo na sando
Sa oras na ‘yon, ‘di ko maramdamang nagmadali
Pareho tayong hinahanap ating kiliti
Tinaob mo ang teleponong pagod kaka-ring
Ngayon gusto ka na mapasa’kin kahit na mali
Dati ‘yung mga tugtog ko ay pili lang
Sabi niya, “Ba’t ‘di mo kilala si Sza?”
Batid ko no’n na labas ka sa aking liga
‘Di inaasahang hawak mo magkamalisya
Katabi hanggang five in the morning
Sabi mo, “It’s too fast, I’m sorry”
Panahon na ‘yon, ‘di pa alam ang gagawin
Damdaming dapat dahan-dahan ay napabilis kasi

[Chorus: Hev Abi]
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ‘to
Kahit matagal na tayong hindi nagkatagpo
Lagi kong pinapangarap, sa galit ‘di ka babad
Sapagkat minahal mo ‘ko agad (Ah-ah)
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ‘to
Kahit matagal na tayong hindi nagkatagpo
Lagi kong pinapangarap, sa galit ‘di ka babad
Sapagkat minahal mo ‘ko agad (Ah-ah)

[Interlude: Because]
(Yo, kamusta everyone, kamusta everyone)
Let me take y’all back, man
As I do so well, SZN 3, worldwide
(Yo, kamusta everyone, kamusta everyone)
(Sana mapatawad, sana mapatawad)
Yeah, yeah, uh
(Sana mapatawad, sana mapatawad)
Mm-mm, mm-mm, minahal
(Sana mapatawad, sana mapatawad)
Hindi ko sinasadya na mahulog ako
(Sana mapatawad, sana mapatawad)
Yeah, okay, ’cause

[Outro: Because]
Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ‘to
Pinilit kong takpan parang lamigin kong buto
Sa mga gabing maginawn at hanap ko ikaw
Ang kaso ‘di ka lilitaw kahit lumuha ng dugo
Dinura mo mga salitang hirap kong malunok
Mga mata ‘di matuyo kahit bilad na sa bubong
‘Yung puso ko pisat na ng gulong ng ilang sunod-sunod
Sobrang saklap agad-agad akong naging ugod-ugod
Ang sabi mo’y balat magkadikit ‘gang kulubot
Ang sabi mo kung ‘di ako, wala nang kasunod
Kung sa bagay ilang nasusunod sa’yong pangako
‘Di nagka-balato, pusong pusta puro talo
Pagtapos pagsikapan, palapitin ang malayo
Nakipagsiksikan pa sa bus, puno ng tao
Pwede bang ipagpatawad?
‘Di pa nasa palad, susi nang nakasaraso kong palasyo
Pwede bang ipagpatawad?
Minahal kita agad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *