Categories
Because

Sandali

Sandali lyrics by Because

Gusto kita na mapasa’kin kahit na mali
Katabi ka nang matagal at ‘di lang ngayong gabi
Hiling ko sana’y matupad, ako’y ‘di na mapakali
Gawin nating lagi nakaw nating sandali

Gusto kita na mapasa’kin kahit na mali
Katabi ka nang matagal at ‘di lang ngayong gabi
Hiling ko sana’y matupad, ako’y ‘di na mapakali
Gawin nating lagi nakaw nating sandali, whoa, oh

Magkadantay ang ating paa habang ikaw ay nakatalikod
Ubos enerhiya nating dalawa, alam kong ‘di mo kaya na malimot
Madilim ang kwarto parang disco, naaaninag lang ang ‘yong anino
Kamay ko’y nilibot ang ‘yong katawan na para bang ika’y nagpapahilot
Kasama sa kama, dati kong pinapantasya, yeah
Bakante na lote, sinamantalang pumarada
Mayro’n bang nagmamay-ari ng ‘yong damdamin? Kung gano’n, ‘di bali
Ako’y aamin na, ikaw lang ang pipiliin kaysa sa kanila

‘Di ito panandalian lang
Handa akong manatili, ibigay buong sarili sa iyo
‘Di ito panandalian lang
Hahayaan kang pumili, isipin nang maigi kasi…

Gusto kita na mapasa’kin kahit na mali
Katabi ka nang matagal at ‘di lang ngayong gabi
Hiling ko sana’y matupad, ako’y ‘di na mapakali
Gawin nating lagi nakaw nating sandali

Gusto kita na mapasa’kin kahit na mali
Katabi ka nang matagal at ‘di lang ngayong gabi
Hiling ko sana’y matupad, ako’y ‘di na mapakali
Gawin nating lagi nakaw nating sandali, whoa, oh

‘Di ko inasahan na sa ‘yo rin pala ‘ko mahuhulog
Durog ko na puso, iyong pinulot, kahit mabubog
Sabihin man ng iba, ako’y ahas, ‘lang pakialam, sa ‘yo lang pupulupot
Baha ng pag-ibig, lagpas na sa ulo, ‘di na makatukod, tayo’y nalulunod na
Silid ay mausok, aking medisina, sa ‘yo nakaturok
Lalawayan ang bawat parte mo habang katabi at baka mausog pa
Alam ko namang kasalanan na ipanalanging ika’y mapasa’kin
‘Di totoo na mas madali ka na mahuli kapag nakatali subali’t

‘Di ito panandalian lang
Handa ‘kong manatili, ibigay buong sarili sa iyo
‘Di ito panandalian lang
Hahayaan kang pumili, isipin nang maigi kasi…

Gusto kita na mapasa’kin kahit na mali
Katabi ka nang matagal at ‘di lang ngayong gabi
Hiling ko sana’y matupad, ako’y ‘di na mapakali
Gawin nating lagi nakaw nating sandali

Gusto kita na mapasa’kin kahit na mali
Katabi ka nang matagal at ‘di lang ngayong gabi
Hiling ko sana’y matupad, ako’y ‘di na mapakali
Gawin nating lagi nakaw nating sandali, whoa, oh

Leave a Reply

Your email address will not be published.