Categories
Arthur Nery

Binhi

Binhi lyrics by Arthur Nery

‘Di ko na nadiligan
Ang binhi ng iyong pagmamahal
Ayoko nang sapilitang
Ibuhos ang lahat ng dinadamdam

Ang tangi kong hiling ay mahawakan
Ang iyong mga kamay at daliri
Habang dahan-dahang haplusin ng mga salita
Ang puso mong sabik mayakap ‘pag nag-iisa

Kaya tahan na, ooh
Sumandal ka, ooh
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi, oh paraluman

Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak
‘Di mababaon sa limot
Ang ligayang hatid ng iyong halimuyak

Alak lamang ang pamunas sa natira
Mong alaalang ‘di kumupas at kahit na
Ipilit ko mang ibalik pa ang dati
Tayo’y mawawala pa rin

Kaya tahan na, ooh
Sumandal ka, ooh
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi, oh paraluman

Ilang araw nang nakahiga
Tuluyan na nga bang ako’y iyong nilisan?
Kahit saglit, pwede bang mahawakan?

‘Di na kailangang lumayo, halika sa akin
‘Di na muling mabibigo, ako ay yakapin

Kaya tahan na, ooh
Sumandal ka, ooh
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi, oh paraluman

Ilang araw nang nakahiga
Tuluyan na nga bang ako’y iyong nilisan?
Kahit saglit, pwede bang mahawakan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.