Categories
Arthur Nery Janine Teñoso

Pelikula

Pelikula lyrics by Arthur Nery, Janine Teñoso

Mapapansin mo kaya
Ako’y magkukunwari ba sa nararamdaman
Kahit walang pumapagitan

Ikaw ang tanging gustong pagmasdan
Oh, sana ako’y pagbigyan
Kay tagal nang hinihintay
Bawat saglit sumasablay

Isayaw mo ako sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso’y magiging isa
Takbo ng mundo’y magpapahinga

Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang iba
Hmm…
Eh…hmm…

Magdadalawang-isip ba ‘ko
O iisa-isahin ang paghakbang pa-entablado
Para lang na mapansin mo na

‘Kaw lang ang sadya kong maisayaw
Magkausap kahit ‘di sanay na
Humawak ng mga kamay
Sa ‘yo lang ako sasabay

Oh …
Kahit ngayong gabi lang
(Ngayong gabi mangyayari ang minsan)
Oh kahit na sandali lang
(Sandali lang naman)

Isayaw mo ako sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso’y magiging isa
Takbo ng mundo’y magpapahinga

Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
(Oh bumabalik)
Ako at ikaw, wala nang iba…
Aaah… hmm…
Aahh…dadadada…
Aahh…dadadada…
Aahh…dadada…

Oh isayaw mo ako sinta
Ibubulong ko ang musika
Ang puso’y
Puso’y magiging isa
Takbo ng mundo’y magpapahinga

Na parang isang pelikula (oh ohh…)
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang iba

One reply on “Pelikula”

Leave a Reply

Your email address will not be published.