Categories
Janine Teñoso MC Einstein

Kapit

At kung sakaling ‘di na kayanin ay andirito lang ako
At ‘di ka hahayaan pang mahilo

Basta’t kapit ka lang sa aking kamay
‘Di kita pababayaan oh ohh…

Akong bahala sa iyo
Hindi kita iiwan kailanman
Ano man pagdaan mo
Ay andyan para hirap ay mabawasan
Paminsan-minsan ay kailangan din natin
Na nahihirapan
‘Di madali na maranasan
‘Wag kalimutang may kinabukasan pang dapat na silipin
At alalahanin, lahat ay kaya natin

At kung sakaling ‘di na kayanin ay andirito lang ako
At ‘di ka hahayaan pang mahilo
Basta’t kapit ka lang sa aking kamay
‘Di kita pabayaan oh ohh…
Huminto, pwede kang magpahinga
Halika, pikit mo ang ‘yong mga mata
Babalutin ang napaso
(Dala-dala) ang bigat sa iyong braso
Tatapusin ang takbo kahit malayo ohh…
Hay, ayos lang kung sumablay
Meron kang kasabay
Lumingon ka sa tabi, “hi”
Oh ohh…

At kung sakaling ‘di na kayanin ay andirito lang ako
At ‘di ka hahayaan pang mahilo
Basta’t kapit ka lang sa aking kamay
‘Di kita pababayaan oh ohh…

Kung biglaan kang napagod
At sa ‘yong ulo’y napakamot
Tatandaan na may kahapon kang nalampasan
At nung umaga’y nakabangon

At kahit na anong ibato sa ‘yo
‘Wag kang yuyuko, taas ang noo
Bangon patayo
Harapin mo ‘to
Malakas ka
Baka nalimutan mo

At kung sakaling ‘di na kayanin ay andirito lang ako
At ‘di ka hahayaan pang mahilo

Basta’t kapit ka lang sa aking kamay
‘Di kita pababayaan oh hmm…

Kahit anong mangyari
Kayang-kaya
Kahit anong mangyari
Kayang-kaya
Kahit anong mangyari
Kayang-kaya
Kayang-kaya
Oh ohh…
Kahit anong mangyari
Kayang-kaya (kayang-kaya)
Kahit anong mangyari
Kayang-kaya (kayang-kaya)
Kahit anong mangyari
Kayang-kaya
Kayang-kaya
Oh ohh…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *