Categories
Janine Teñoso

Paano

Paano lyrics by Janine Teñoso

Tama, akala ko tama, na binigay ko ang lahat
Dinala ko ang bigat ng tadhana
Sana, hindi nakilala, minahal na ng tapat
‘Di pa rin naging sapat sa kanya

‘Di na ba mababalik ang sandali
Mag-isa na naman ba tayong muli

Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan
Pa’no na tatapusin ang nasimulan
Ngayon at wala ka na
Pa’no na sasaya, pa’no na

Hindi ko tanggap na sinuko
Ang mundong binago mo
Ngayon ay nagkagulo, muling gumuho
Pangako, ikaw ay nangako
Na wala nang iwanan, bakit nagtapos na lang sa paalam

‘Di na ba mababalik ang sandali
Oh, mag-isa na naman ba tayong muli

Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan
Pa’no na tatapusin ang nasimulan
Ngayon at wala ka na
Pa’no na sasaya

‘Di maintindihan
Wala nang kahulugan
Ang lahat ng nararamdaman
Nang wala ka
Wala ka na

Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan, oohh…
Pa’no tatanggapin ngayong ‘di ka na sa akin

Paano na ang lahat
Paano ang nakaraan
Pa’no na tatapusin ang nasimulan
Ngayon na wala ka na
Pa’no na sasaya
Paano na

Leave a Reply

Your email address will not be published.