Categories
Janine Teñoso MC Einstein

Titig

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ‘di tignan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa ‘king ginagawa na ‘pagka tumaya ay ‘wag mapahiya ohh…

Ewan ko kung pa’no ko bibitbitin
Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin
Ayoko rin naman ‘to kimkimin kaso mukhang
Hindi ko pa rin ‘to sa ‘yo kayang banggitin

At baka isnabin mo lang at ‘di mo pansinin
Bitin kahit ano pa man ang aking inumin
‘Yung tapang ay wala pa rin sa’n ko hihiramin
Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin

Pa’no sasama kung hindi ako nag-aaya
Pa’no tatama kung hindi ako tumataya
Minsan iniisip ko na ‘wag na lang kaya
Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya-maya

At sobra sa pag-asa kulang sa kumpiyansa
Kaya mukhang malabong magka-tyansa
Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha
‘Yun ang matagal ko nang pantasya

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ‘di tignan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa ‘king ginagawa na ‘pagka tumaya ay ‘wag mapahiya

‘Di lang ako kumikibo matagal nang tumitibok
Ang puso ko para sa ‘yo kaso minsan kumikirot (hmm)
‘Di ko kasi masabi ‘di ako umaarte lang
‘Di ko rin alam kung papaano aatake
Kasi baka naman ako ay tablahin
Kaya tinatak sa isip ko na ‘wag nang tangkain
Panaginip lang lahat ng ‘yon ako ay tampalin
Para gising na ‘ko tamang panahon
Aantayin ko na lamang
Kasi wala namang masama sa magtiyaga
Kung para sa ‘kin ka e ‘di mag-aabang ako hanggang sa merong mapala
Kaso wala namang mapapala lalo’t ‘pag wala akong ginawa
Tsaka baka mamuti lang ang mata ‘pag nag-antay ng himala

‘Di naman malabo na mapansin mo ‘ko kapag ‘di ako nagtatago
Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo
Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo
Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago Kasi

Matagal na kitang sinusundan
Tinititigan at hindi maiwasan
Na ikaw ay ‘di tignan sa malayuan
At pinag-iisipan ko kung anong paraan
Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan
Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala
Sa ‘king ginagawa na ‘pagka tumaya ay ‘wag mapahiya
Ohh ohh…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *