Categories
LUNA

Ako Naman

Tila naging sunod-sunuran
Naging alipin sa sariling kagustuhan
Patuloy na kumakapit at nag bubulag bulagan
Sa pangakong binitawan na aking pinanghawakan

Punan ang sariling naubos sa iba
Bumangon sa pagkadapa
Bigyang pagkakataon na makahinga
Sabay sabihin na

Ako naman. Woah
Pwede bang ako naman
Kahapon ay pakawalan
Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan
Ako naman. Ako naman
Kung pwede lang naman

Wala na bang magagawa. Walang magagawa
Araw-araw na lang walang patawad. ‘Di ko na kaya
O kailan ba? Kailan ba ‘to matatapos?
Para akong kandilang sinusunog, natira ay upos

Hindi ko na, ‘di ko na alam ang gagawin
Ang sabi nila, aking sarili daw ay mahalin
Pero paano? Lahat na lang aking binigay
Wala nang natira liban sa sugat saking kamay

Tinahak ko bundok na matarik
Nilakad ko kahit nakapikit
Akala ko kasiyahan ko’y makukuha
Ano nga ba ang kapalit?

Tanong sa sarili
Ito lang ba ang tanging daan?
Gustong sumuko
Pero tuloy na lumalaban

At sa pag lipas ng panahon aking napatunayan
Sa gitna ng bagyo’t kidlat hindi N’ya ako pinabayaan
Kasama ko’y mga anghel paakyat sa kalawakan
Kung saan magniningning higit sa’yong inaasahan

Punan ang sariling naubos sa iba
Bumangon sa pagkadapa
Bigyang pagkakataon na makahinga
Sabay sabihin na

Ako naman. Woah
Pwede bang ako naman
Kahapon ay pakawalan
Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan
Ako naman. Ako naman
Kung pwede lang naman

Masyado nang mahirap ang aking mga naranasan
Sa mga taong lubos kong pinagkatiwalaan
Nabulag sa ningning at magandang kinabukasan
Naubos ang tinig sa pag tawag ng kaligtasan

Inubos na ang sarili para sa iba
Siguro nga ay oras na para piliin na
Palayain ang sarili sa kadena na
Sumasakal sa akin ng ako’y makahinga

Ako naman. Woah
Pwede bang ako naman
Kahapon ay pakawalan
Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan
Ako naman. Ako naman
Kung pwede lang naman

Ako naman. Woah
Pwede bang ako naman
Kahapon ay pakawalan
Muling bigyang kahulugan buhay na walang patutunguhan
Ako naman. Ako naman
Kung pwede lang naman

Ako Naman Music Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *