Categories
Alexa Ilacad KD Estrada

Misteryo

Misteryo lyrics by Alexa Ilacad, KD Estrada

Magdamag na kitang pinagmamasdan
Hindi ko maintindihan
Kung bakit di ako nagsasawa
Na tingnan ang iyong mukha
Mga kilos na ibang nilalaman
Tayo lang ang nagkakaintindihan
Oh hindi nila napapansin
Mga titig mo na para lang saakin

Binabalutan mo ako ng iyong misteryo
Napapa buntong hininga
Pinapaisip mo ako oh anong misteryo
Pero sa wakas ay nandito ka na

Nakatitig nalang sa kawalan
Naghahanap ng dahilan
Kung bakit di ako makawala
Sa saya na iyong dala
Tinutunaw ako ng lambing
Ng iyong tinig na para lang sa akin
Oh hindi ba sila nagtataka
Sa mga bulungan natin

Binabalutan mo ako ng iyong misteryo
Napapa buntong hininga
Pinapaisip mo ako oh anong misteryo
Pero sa wakas ay nandito ka na

Sa iyong bawat pag kanta
Alam kong napapaisip sila
Kung ako nga ba ang dahilan
Sa bawat pagpatak ng luhang
Dulot ng kasiyahan
Na sana ako ang dahilan
At sa wakas andiyan ka na

Binabalutan mo ako ng iyong misteryo
Napapa buntong hininga
Pinapaisip mo ako oh anong misteryo
Pero sa wakas ay nandito ka na
Pero sa wakas ay nandito ka na
At sa wakas nandito ka na
Sa wakas ay nandito ka na

Leave a Reply

Your email address will not be published.