Categories
Felip

Bulan

Bulan lyrics by Felip

[Intro: Stell]
Oh-oh-oh-ohh
Oh-oh-ahh, oh-oh-ahh
Ooh-ahh-ahh, ooh-ahh

[Verse 1]
‘Di na mahalaga kung sino ‘yung nauna
‘Di na magiging patas ‘tong laro
Kita mo ‘pag ako na ang sumali, ugh
Noo’y nasa baba, ngayon ay nasa tuktok ng kamurayan
Tinitingala, ako ang Bulan
Papunta ka pa lang, ako ay pabalik na, yah
Huli nang lahat, ang aking apoy ‘di niyo na maaapula
Abante lang, walang atrasan, ang bumangga giba
Kabisig man o hindi ang mundo
Tuloy-tuloy lang ang takbo

[Chorus]
Dahil ako lang, wala nang kulang
Pagpatak ng dilim, ako ang Bulan
Sa Silanganan, ‘di ‘to ambon
Kundi buhos ng ulan, kaliwa, kanan
Lakad bitbit ko ang aking pangalan
Itaga mo ito, sunod na bersikulo

[Verse 2]
Dapat lang kabado (Kabado)
Itong nagpapanggap na bulalakaw, ano na? (Yah, yah)
Kahit sabihin mo pa sa’kin ako’y patatahimikin
Ako’y nakaupo na sa trono, tanga ka ba? Ha?
‘Di na bago sa’kin ‘to, dapat lang basagin ‘to
Umaapoy, sunugin ‘to, kung manalangin ‘kala mo santo
Patahimikin ‘tong hipokrito

[Bridge]
Oh Haliya, ibukas ang mata
Lalamunin ka na niya
‘Wag magpa-api sa Bakunawa
Sa himpapawid ang agila’y sumilip
‘Di limitadong pananaw at pag-iisip
Ugma ko sa Henesis itinatak-(da)

[Chorus]
Dahil ako lang, wala nang kulang
Pagpatak ng dilim, ako ang Bulan
Sa Silanganan, ‘di ‘to ambon
Kundi buhos ng ulan, kaliwa, kanan
Lakad bitbit ko ang aking pangalan
Itaga mo ito, sunod na bersikulo

[Instrumental Outro]

Leave a Reply

Your email address will not be published.