Categories
Curse One Dello Flict-G Smugglaz

Nakakamiss

Nakakamiss lyrics by Curse One, Dello, Flict-G, Smugglaz

Na na na na, na na na na
Na na na na, na na na
Na na na na, na na na na
Na na na na, na na na

Madaming nangyari, taon ang binilang
Ka-jamming, kumpare, napapangiti lang
Ngayon naalala, maulit ‘yun sana
Nakakamiss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
‘Pag naaalala mga bagay na ‘to
Kay sarap balikan, tamis na nagdaan
Nakakamiss lang kasi

Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba?
Kamusta na ba s’ya?
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakakamiss lang kasi

Kamusta ka na ba, Smugg? (Okay lang naman, Curse)
Kamusta ka na ba, Curse? (Okay lang naman, Smugg)
Salamat at nakagawa na naman tayo ng isa na namang kanta
Na tila makapagbagbag-damdamin
Kundi pagbabahagi din ng bawat pangyayari sa mga buhay natin nadagdag
Kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag
Oo nga eh, sana kung pwede lang tayong lahat ay bumalik sa ating nakaraan
Makikita mo kung mayro’ng nawala na sa ngayon
Mga bagay-bagay na ‘di na pwedeng balikan

Makulay ang ganda, ang sarap pagmasdan
Makulay ang ganda, ang mga nagdaan
Sa likod ng nilakaran ko
Nadala ng kapalaran ko
Bakas ang mga aral sa ating mga karanasan, ngayon, natutunan ko
Ang tama at mali, teka, sandali
Kamusta na kaya ‘yung iba?
‘Yung iba, sikat na, ‘yung iba, angat na
‘Yung iba, may mga anak na
Sana naman, tayo’y ‘di magkalimutan
Ano man ang mangyari, kapatid o pare
Ilang ulit man madapa, tuloy lang

Sa mga pangarap natin
Kahit ano pa mangyari ay ‘wag kayong bumitaw
Mga pangarap natin bukas

Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba?
Kamusta na ba s’ya?
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
May kanya-kanyang buhay na
Sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa n’yo
Sana’y laging maalala n’yo noon kung ano’ng tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakakamiss lang kasi

Kamusta ka naman, Dells, okay ka naman ba?
Okay naman, Flict, laging click mga rampa
Daming nagpa-pic, mga chick na maganda
Bigla ko lang namiss, makulit na alaala
Samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa
Uso no’n ang taguan, wala pang games, mga DOTA
Tagayan sabay ang hagikgik, mga tawa
Kaya para bang ngayon ay nasabik makasama
Kasi naalala ko ang katambayan sa looban
Kasabwat sa lahat ng paggawa ng kalokohan
Pero mayro’ng damayan sa problemang kaharap
Masarap, may kadamay, gumaan ang kalooban
Naranasan ko noon, teka, nasa’n na ba ‘yon?
Panahon tayo no’n, tila ba nasa balon
Na punong-puno ng alak, hawak natin ang tungga
Ngumingiti ako kasi namiss ko ‘yun bigla

Eh, ikaw naman, Flict?
Uy, Dello, para bang malalim iniisip mo?
Ha, oo nga, ‘di ko lang talaga mapigilan na isipin ang mga bagay na ‘to (ang alin?)
‘Yung sana maulit natin ang mga panahon na
Dati, wala pang kamalay-malay sa mga
Bagay-bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa’t-isa
Walang hanggang pag-ibig, tanging laro ang hilig
Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig
Nangangarap na lahat ng bituin ay mahawakan ng aking mga kamay
At ang mga kabiguan, agad kalimutan
Sa agos ng buhay ay ipatangay

Sa tagal ng panahon
Kamusta ka na ba?
Kamusta na ba s’ya?
Ano ba ang lagay ng ibang tropa ngayon?
May kanya-kanyang buhay na
Sana palagi kayong masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa n’yo
Sana’y laging maalala n’yo noon kung ano’ng tayo
Minsan naman, minsan naman
Inuman, kulitan, harutan, asaran
Nakakamiss lang kasi

Madaming nangyari, taon ang binilang
Ka-jamming, kumpare, napapangiti lang
Ngayon naalala, maulit ‘yun sana
Nakakamiss lang kasi

Kahit ano pa’ng mangyari, ‘wag kayong bumitaw
Hangga’t hindi n’yo pa abot lahat ng tala sa taas
Dahil, dahil
Nakakamiss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
‘Pag naaalala mga bagay na ‘to
Kay sarap balikan, tamis na nagdaan
Nakakamiss lang kasi

Sige lang, tuloy-tuloy-tuloy lang
Sana’y palaging kasama kundi kayo
Nakakamiss lang kasi

Leave a Reply

Your email address will not be published.