Categories
Smugglaz

SAMIN

Mula nung una hanggang dulo at sa kalagitnaan
Ng gera at digmaan na to’y magkabilaan
Ko na palaging tangan sa kaliwa’t sa kanan
Mga pinanghawakan ko na di mabitawan
Nagpatuloy sa pagsulat paglikha’t pagawa nya
Ng melodiya’t ritmo ng rima’t mga bara
Sumikat makilala tinig maisa-plaka
Kahit na para bang hindi ganun katingkad ang pag asa
Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
Lumaking wasak ang pamilya di pa nakapagtapos
Kulang sa kaalaman sa salapi din ay kapos
Anumang meron at wala’y akin ng pinagpasa-Diyos
Sa likod ng mga sala ko’t gawain na haram
Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
Dumiretso lumiko, mapraning o tumino, magtagumpay o mabigo langit lang ang may alam

Kahit marami mang putik saking talampakan
Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
Malubak o madulas ma’y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay
At maiuwi ko samin ang tagumpay
Samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay

Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip
Naging sang batang palaboy na kung san-san tumitira
Sa ilalim ng tulay sa delpan, pedicab o jeep
Sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang humihinga
Sa mura ko na gulang natuto magka-gulang
Nagkapangil, nagkasungay buntot na lang ang kulang
Sa mundo na madupang walang kapatawaran
Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang
Nang biglang suminde bumbilya nyang punde
May boses na bumulong ang sabi di pa yan huli
Ika’y di lang kabute
Kundi lotus na halamang kayang mamukadkad kahit sa tubig na marume
Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa
Inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa
Tila nagsikap pa din na wag mahambing sa kanila
Kahit samin ay mahirap ang maging kakaiba

Dahil kahit marami mang putik saking talampakan
Alam kong babakas parin ang mga yapak ko saking bawat daraanan
Malubak o madulas ma’y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay di mapapahumpay
Ang gutom na taglay hanggang mapasakamay
At maiuwi ko samin ang tagumpay
Samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay
Mauwi ko samin ang tagumpay

(Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Pusong do-do-do or die)

Ako’y parang estudyanteng hara-haragan
Nangarap mag-sumakumlaude sa kalakaran
Ng mga turo at diskarte para-paraan
Karanasan ang guro’t kalye ang paaralan
Sinumpa’t pinangako kahit na malabo
Yung nandun sa malayo’y mararating ko din
Liwanag ma’y maglaho at araw ay magtago
Mas kikinang pa lalo na parang bituin
Kahit gano man kadilim ang buhay
Na para kang unti-unting nalilibing sa hukay
Magniningning sa kulay
Pagkatapos makabangon ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay
Taya’y pati pato kahit anuman
Ang pwede’t posibleng maging hantungan
Naisangag ko na ang kaning bahaw bago pa mapanis saking baunan
Mga nag-abono nung ako ay taglugi
Kasama ko pag nagbunyi pasasalamat ang sukli
Nung ako’y di pa tuli wala pang ngipin at bungi
Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
Nag-lakbay bunga ng pag-ibig, galit o muhi
Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
O kahit san makarating pag nagtagpo tayong muli
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)

Ahaah…
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)
Ahaah…
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pag-uwi (ugh)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *