Categories
Paul Pablo

Kalawakan

Verse 1:
Mga mata ay nasa langit
handang ilipad aking sarili
naririnig ang bulong ng hangin
hipan ang bigat saking dibdib

Refrain:
Bitawan ang lahat
palayain muna’ng pagdurusa
pawiin ang duda
ipaalon ang lungkot sa luha
mundo ay iwanan
kalimutan ang takbo ng oras
damdamin ay isigaw
dahil handa ka na

Chorus:
ngayong gabi ikaw ay liliwanag
magiging araw sa likod ng buwan
ulap ay iilaw
di ka na maliligaw

mga bituin ay isasayaw
tinik sa puso ay pumanaw
ang kalawaka’y
ikaw ang hinihintay

Verse 2:
sarili ay wag ng itali
sa ano mang sayo’y bumabalakid
sundin ang bugso ng iyong dadamin
oras ay di ka hihintayin

Refrain:
Pagasa, tiwala
dinig ng mga tala
pawiin na ang mga duda
dahil handa ka na…

Chorus:
Ngayong gabi ikaw ay liliwanag
magiging araw sa likod ng buwan
ulap ay iilaw
‘di ka na maliligaw

Mga bituin ay isasayaw
tinik sa puso ay pumanaw
ang kalawaka’y
ikaw ang hinihintay

Pre-cho:
Hooo hooo
Ang kalawaka’y ikaw ang hinihintay

Bridge:
Ang kalawaka’y ikaw ang hinihintay

Ngayon ang oras na magparaya
ng iyong nadarama
Bigyan ng kulay ang pusong nauuhaw
ikaw ang hinihintay

Dahil handa ka na…

Chorus:
Ngayong gabi ikaw ay liliwanag
magiging araw sa likod ng buwan
ulap ay iilaw
di ka na maliligaw

Mga bituin ay isasayaw
tinik sa puso ay pumanaw
ang kalawaka’y
ikaw ang hinihintay

Hooo hooo
Ang kalawaka’y ikaw ang hinihintay
Hooo hooo
Ang kalawaka’y ikaw ang hinihintay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *