Categories
Paul Pablo

Gulo

Gulo lyrics by Paul Pablo

Intro:
di ba sinabing tama na
hindi pa ba nadadala

Verse 1:
may ingay na namang
narinig ang kanilang mata
mga daliri’y nagsasalita
bibig nito ay mapanghusga

ano ano nalang ang pinapasok sa loob ng isip
tuloy ngayo’y puro gulo gulo gulo nilalabas ng isip

‘wag kang magalala
katotohana’y mababago nila

saan mang angulo subukang tingnan
may makikita silang kamalian
balita’y kay bilis kumalat pag
dulot nito ay kaguluhan

Chorus:
lahat sila ay may alam
hindi pa ba nadadala
sa mga salita nila
sunod-sunoran ka na ba

malaya kang magpahayag
pero bakit itataya
marami ng gumugulo, gulo, gulo, gulo, sa isip ko
tuloy ngayo’y puro gulo, gulo, gulo, nilalabas ng isip ko

2nd Verse:
ano ng balita diyan
ganon parin ba o binago na
bakit iba-iba’ng hatid nila
Katotohanay marami na ba

saan mang angulo subukang tingnan
may istoryang nababagay dyan
baka may bahid ng intensyon nila
sa pera lang nga ba umiikot ang lipunan

Chorus:
lahat sila ay may alam
hindi pa ba nadadala
sa mga salita nila
sunod-sunoran ka na ba

malaya kang magpahayag
pero bakit itataya
marami ng gumugulo, gulo, gulo, gulo, sa isip ko
tuloy ngayo’y puro gulo, gulo, gulo, nilalabas ng isip ko

Outro:
ano ano nalang ang pinapasok sa loob ng isip ko
tuloy ngayo’y puro gulo gulo gulo nilalabas ng isip ko
ano ano nalang ang pinapasok sa loob ng isip ko
auloy ngayo’y puro gulo gulo gulo nilalabas ng isip ko

Leave a Reply

Your email address will not be published.