Categories
Rhyne

Napakadami Na

Napakadami Na lyrics by Rhyne

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
napaka dami na napaka dami nang
gusto akong makitang sumablay

pinatibay to ng panahon
kaya hindi nila mabaon
inakala ng iba napatapon
kaya gulat lahat nung nagkaron
di ko sukat akalain
na nailabas sarili sa kahon
inakyat ng dahan dahan
ang hagdan at hindi ko tinalon
ginawang bakal ang damdamin
para sa kumento ng iba’t mga pasaring
imbis na tirahin ko ng pabalik
ay diko nalang pinansin
at binulong na lang sa hangin
uh!
yan lagi ang gawain
kabutihan pairalin
ilang beses mang hamakin ng marami
kabaliktaran pa rin nito ang dapat na isalin
diko inugali na makipag tunggali
dahil alam ko kung anong tama o mali
hindi rin nagpapadala sa palakpakan
at tuwing may kaganapan makikita moko sa tabi
nakangiti, nakamasid, sa tunay na mga kapatid
iisa aming hangarin
at sana palarin at lahat makatawid
(tawid) yeah

puro tama lang ang gagawin ko
oh yun lang din dapat gagawin mo
wala sa plano ko
ang pag hinto oh oh
kahit

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
napaka dami na napaka dami nang
gusto akong makitang sumablay

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
di mang yayari yan
di mang yayari yan
ako ay magtatagumpay

daming naka abang
sa galaw at bawat hakbang
tila di na bilang
sa daliri kung iilan
dami talang ha hadlang
bago makamit ang inaasam
buti nalang di naubos ang mga tintang
ginagamit ko kaya di nila malinlang
di malilinlang
yeah!
dahil pangarap ko ay maging makinang
wala akong pakialam
kahit pa na sabihin nila na nahihibang
kesa patulan ko tinuloy ko nalang
aking gawain at di na inisip yan
diko na kailangang gumanti
dahil pag ako ay nag wagi mas matindi yan
yeah!
ganun pamay tuloy lang palagi
kahit parati kang hinahawi
ni kapalaran at tinatali
sa dahilang hindi mo mawari
at di mo sukat akalain
na malagay ka sa alanganin
pero panis kase kakayanin
yeah!

puro tama lang ang gagawin ko
oh yun lang din dapat gagawin mo
wala sa plano ko
ang pag hinto oh oh
kahit

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
napaka dami na napaka dami nang
gusto akong makitang sumablay

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
di mang yayari yan
di mang yayari yan
ako ay magtatagumpay

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
napaka dami na napaka dami nang
gusto akong makitang sumablay

napaka dami na napaka dami nang
nakatingin, nag hihintay
di mang yayari yan
di mang yayari yan
ako ay magtatagumpay

Leave a Reply

Your email address will not be published.