Categories
Paul Pablo

Bangin

Bangin lyrics by Paul Pablo

Hindi pa sanay
Matagal na ring ‘di napangiti
Iniiwasan pa’ng
Mga bagay na ‘di pa maamin

Suntok sa buwan, o baka hindi naman
Natatakot pang lumapit sa’yo
‘Di mo alam, sigaw ng puso at isipan
‘Pag ako ay lumapit pa nang husto

Ako’y mahuhulog na (haa-haaa)
Mahuhulog na nang tuluyan
Sasaluhin mo ba? (Haa-haa)
Hindi ko na kasi mapigilan

Kita sa’yong mata (kita sa’yong mata)
Pangungulila sa init ng pag-ibig
‘Wag nang pigilan pa
Kung gusto’y gamitin na’ng mga sandali

Walang baliktaran, ipakita mo naman
Kung ako ba’y nararapat sa’yo?
Iyong pakinggan sigaw ng puso at isipan
At ako ay lalapit na nang husto

Ako’y nahuhulog na (haa-haaa)
Nahuhulog na nang tuluyan
Sasaluhin mo ba? (Haa-haaa)
Hindi ko na kasi mapigilan

Ako’y nahuhulog sa bangin ng pag-ibig (wooh ohh)
Ako’y nahuhulog sa bangin ng pag-ibig (wooh ohh)
Ako’y nahuhulog sa bangin ng pag-ibig
Ako’y nahuhulog sa bangin ng pag-ibig
Ako’y nahuhulog na (haa-haaa)
Nahuhulog na nang tuluyan
Sasaluhin mo ba?
Hindi ko na kasi mapigilan

Ako’y nahuhulog na (haa-haaa)
Hindi ko na kasi mapigilan
Ako’y nahuhulog na (haa-haaa)
Hindi ko na kasi mapigilan

Ako’y nahuhulog na (hooo)
Ako’y nahuhulog na (yeah, yeah)

Ako’y nahuhulog sa bangin ng pag-ibig
Ako’y nahuhulog sa bangin ng pag-ibig

Leave a Reply

Your email address will not be published.