Categories
Ben&Ben

Upuan

Upuan lyrics by Ben&Ben

Mata’y ‘di maipikit
Nang ‘di ka naiisip
Ang utak, nilalaro
Ang hugis ng puso ko

Upuang magkatabi
Mayro’n bang kahulugan?
Kaibigan o pag-ibig
Ano ba’ng nararamdaman?

Nahuhulog na ako
Nahuhulog na sa ‘yo
Nahuhulog na ako
Nahuhulog na sa ‘yo

Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang du’n na lang ako

Kamay ay nanlalamig
Hindi na mapakali
Madadampian ba ang
Kahit anino mo lang?

Nahihilo na ako
Saan ba ‘to patungo?
Sa upuan bang ito
Papalapit sa ‘yo?

Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang du’n na lang ako

Ang tanging hangad ko lang
Sa t’wing nangangalay ka na
Ay gaya ng upuan
Sa akin ka magpahinga

Sandal ka lang dito
Sandal ka lang dito

Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang du’n na lang ba ‘ko?

Isang tingin mo lang, walang pag-alinlangan
Lahat nasimulan sa dalawang upuan
Hindi sinasadyang mahulog sa kaibigan
Isang tingin mo lang, at sa ‘yo na nga ako

Leave a Reply

Your email address will not be published.