Categories
1ne Maeng Joshua Mari Yhanzy Zync

Napagod Na

Napagod Na lyrics by 1ne Maeng, Joshua Mari, Yhanzy, Zync

Napagod na ang puso ko magmahal
Masasaktan lang naman ako
Bakit ba kailangan pa
Sa maling tao mapunta
Ngayo’y takot na takot na
Akong umibig pa

Bakit naman pinaranas ng tadhana
sa’kin ang paglaruan
Hindi nakikinig kaya nasasaktan
Ngayo’y natakot na muling iwan
Anomang kamalian
Aking nagawa

Mga pagkukulang mo hindi ko maintidihan
Kung ano ang naging rason
Binigay ko naman ang lahat
Ngunit bakit ba ganon
Sadya ngang madaya
Hindi na ‘to tama
Takot sa’king puso ngayo’y
Lumala na siguro nga’y
Di na muli na ko iibig pa
Dahil nga ako ngayon ay napagod na puso ko magmahal
Masasaktan lang naman ako
Bakit ba kailangan pa

Sa maling tao mapunta
Ngayo’y takot na takot na akong umibig pa
Takot na kong masaktan

Paulit- ulit na lang
Ang nangyayari sa akin

Ba’t gan’to palagi ang tadhana
Bakit sa maling tao pa lagi napupunta
Sana di ko na lang pala nakilala sya
Sana hindi ako ngayon nasasaktan

Kaya ayoko ng umibig
Masasaktan aking damdamin
Ayoko na masaktan muli
Maghihintay na lang sa tamang panahon
Baka sakali sa’kin na ituon ang pagkakataon
Dahil hanggang ngayon
Nag- aalanganin parin ang aking puso

Napagod na ang puso ko magmahal
Masasaktan lang naman ako
Bakit ba kailangan pa
Sa maling tao mapunta
Ngayo’y takot na takot na akong umibig pa

Ilang beses pa ba ako
Masasktan ng maling tao ang makikilala ngayon
Tuloy ay wala na kong gana umibig sa iba
Ngayon ay natatakot na
Puso na maging talunan
Pagod ng umasa na
Kahit na minsan lang sana
Meron taong handa kong ipagtanggol
At handa sabihin sa’kin na
Di dapat ako mag-alala
Basta’t ako ay laging nandyan sa ohhhh

Pero bakit kailangan pang mapunta
Sa maling tao na di naman iingatan

Napagod na puso ko magmahal
Masasaktan lang naman ako

Bakit ba kailangan pa
Sa maling tao mapunta
Ngayo’y takot na takot na
Akong umibig pa
Palagi na lang akong ganito
Hindi na patas lumaban pa
Sa akin ang mundo
Marahil siguro’y wag ng magpatuloy
Umibig pang muli
Ng di na lamang matukoy ng panahon natin
Na mapaglaro
Ayokong maulit ang pagkabigo
Hindi na… Hindi na..

Hindi na
Hindi ko naman inaasahan na
Kasawian mararapat daw na
Iba kaya pilit nililipat
Ang sarili ko sa kawalan
Sinasanay ko na lamang
Na mapag- isa
Di naman siguro yun masama
Kung ako yung
Kailangan papipiliin pa

Di ko naman kailangan ng awa
Para lang magkaroon na agad ng
Makakasama pa
Ang buhay ko tuluyan nawalan ng halaga
Hindi ko na kasi malaman
Kung pa’no labanaN
Ang di maunawaang kaba
Kapag ramdam ko na
Na unti- unting ka na sa akin
Nawawalan ng gana

Pangako ko sa’yo
Hinding-hindi na ako muli sa’yo pang
Mag-aabala pa

Napagod na ang puso ko magmahal
Masasaktan lang namana ako
Bakit ba kailangan pa
Sa maling tao mapunta
Ngayo’y takot na takot na
Akong umibig pa….

Leave a Reply

Your email address will not be published.