Categories
Joshua Mari

Tanan

Tanan lyrics by Joshua Mari

Ako’y nakahanda na
Oh nasaan ka na?
Nakabihis ka na ba?
Hinihintay kita
Ito na ang pagkakataon
Magsasama tayong dalawa
At di magkakalayo na
Ito lang ang paraan para makasama ka
Dahil lahat sila ay humadlang
Sa atin pagmamahal

Hayaan mong hawakan ko
Ang iyong kamay patungo sa akin
Ang tiwala mo’y iingatan ko
At gagawin kitang mundo
Hayaan mong makita mo
Ang tunay na nadarama sayo
Balang araw ay matatanggap rin nila
Ang namamagitan sa ating dalawa

Anong oras na?
Bakit wala ka pa?
Lumubog na ang araw
Ako’y nagaalala
Sana ay tumawag ka
Di pa rin kita matanaw

Sana tuparin ang pangako
Hangin ay lumalamig at kabado
Biglang merong lumapit
At pangalan ko’y sinigaw
At nakita ka
Bakit may kasama ka?

Hayaan mong hawakan ko
Ang iyong kamay patungo sa akin
Ang tiwala mo’y iingatan ko
At gagawin kitang mundo
Hayaan mong makita mo
Ang tunay na nadarama sayo
Balang araw ay matatanggap rin nila
Ang namamagitan sa ating dalawa

Ako’y napahinto ng biglang sabi mo na
Siya ang tunay monf mahal at hindi ako
Bigla napaluha
Hindi ko inakalang magagawa mo sa akin
Hindi na naawa
Bakit tinaon pa sa ganitong sitwasyon?

Bat ganun?
Dapat pinatay mo na lang ako
Matatangap ko pa sana
Kung una pa lang sinabi mo
Ngunit bakit ba ganito pinaranas mo?
Habang buhay kong dadalhin ‘to

Hayaan mong hawakan ko
Ang iyong kamay patungo sa akin
Ang tiwala mo’y iingatan ko
At gagawin kitang mundo
Hayaan mong makita mo
Ang tunay na nadarama sayo
Balang araw ay matatanggap rin nila
Ang namamagitan sa atin dalawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.