Categories
J Paul Joshua Mari Yow G

Ngayong Alam Ko Na

Ngayong Alam Ko Na lyrics by J Paul, Joshua Mari, Yow G

Siguro ay hindi ka na magbabago
Ang lahat ay lumabo
Iba nang gusto mo
At tuluyan mo nang iniwan yung meron tayo
Andami mong sikreto, lahat napatunayan ko
Hinahayaan mong mabaliw ako sa kaka isip sayo,
Di mo nasilip na may damdamin rin
At masasaktan ang tulad ko
Pinangako sayo na kasama ka sa pangarap ko
Sa huli pala ay ikaw rin ang sisira nito

Ngayong alam ko na
Di na pepwede pa
Na manatili dahil pagod na
Ang pusong unawain ka
Ngayong alam ko na
Isa ka rin pala
Sa mga tao na di dapat mahalin
At pagbigyan ng halaga

Papalapit pa lang ako, sige ng laging iwas mo.
kahit ako nalilito, kung ang yung tunay na lakad mo
Kutob ko ay kakaiba, parang may tinatago ka
Mawawala ka ng gabi, balik mo ay maaga na
Papano ba to sana sa dulo maisip mo kung papaano kita binuo
Bakit ako pa tong nalulubog, kada ahon ko sayo
Ikaw nga tong paalis palabas madalas din ang pag papapasok mo
May tanong lang ako sa iyo
Bakit pag papluwag sa iba
ang napili mong pasikip saking damdamin
Tang*na meron ka ng halaga
bagay na diko akalain
Nasa lalim ng katauhan may tinatagong kalandian
Kakapalusot dumulas kang din sa rami ng nalawayan
Nakasanayan mo na bagay
Ang aking dahilan upang ika’y aking kasukuan
Naamoy ko na lang bigla lahat ng mga baho mo
Nang halos mapuno mo na ng ipot itong ulo ko

Ngayong alam ko na
Di na pepwede pa
Na manatili dahil pagod na
Ang pusong unawain ka
Ngayong alam ko na
Isa ka rin pala
Sa mga tao na di dapat mahalin
At pagbigyan ng halaga

Sa tingin ko naman ay di ako nag kulang,
Sa kada lingon mo sakin nanjan,
Lang ako palagi, di ko lang mawari kung
ako lang bang sinasandalan
Pinapagaan ko na lang ang sarili,
Kinakabahan kung tama ang nasilip,
Tinatandaan mga panahon na ang
Salita mo’y araw-araw ako pa pinapa-ibig
Ibig sabihin ko lamang
Yung satin ba’y peke na lang ang
Mga pinakita mo sakin bat parang
Ramdam ko naman kaso nga lang
Lahat ba kami’y nasa palad mo lang
Napag gusto mong iwan isasampal
Hanggang kailan mo pa ba babaliktarin ang totoo sa mali
Kung alam ko naman na
‘Twing aalis ka,
Gamit ang pabango na bibihira ng gamitin
Alam ko bang kabisado
Ko na yung linya mo kapag gabi na..
Syempre hindi na ako ang yung uuwian
Doon ka na sa lalaking may pang
Bili ng mga gugustuhin mo
At yung merong malambot na hihigaan
Oo nasasaktan ako ng lubos pero para saan
Pa ung pagmamahal ko sayo
kung para sayo ang lahat lang ay lokohan
ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit lumuluha ang mga mata,
Yun ay para makita ng malinaw
Na di tayo para sa isa’t isa

Ngayong alam ko na
Di na pepwede pa
Na manatili dahil pagod na
Ang pusong unawain ka
Ngayong alam ko na
Isa ka rin pala
Sa mga tao na di dapat mahalin
At pagbigyan ng halaga

Ngayong alam ko na
Di na pepwede pa
Na manatili dahil pagod na
Ang pusong unawain ka
Ngayong alam ko na
Isa ka rin pala
Sa mga tao na di dapat mahalin
At pagbigyan ng halaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.