Categories
Angela Ken

Sila Pa Rin

Sila Pa Rin lyrics by Angela Ken

Napakaraming tao
Manghuhusga sa isang tingin
‘Pag nagkamali ka
Ang dignidad, ‘di agad mababawi

Sino’ng matatakbuhan?
Sino’ng kasamang ito’y lampasan?
Sino’ng kayang umakay?
Oh, aking tahanan, ako’y pilay

Maski bali-baliktarin man
Sila pa rin, sila pa rin
Talikuran ka man ng mundo
Sila’y ‘di maglalaho, sila pa rin

Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Isang tawag mo lang
Pamilya mo’y nandiyan

sila pa rin
(Ooh) sila pa rin

Iba’t iba man
Iba man ang pananaw natin sa buhay
‘Yan ang nagpapatibay
Ng ating panghabang-buhay
Na pundasyon ng relasyon, ng relasyon

Sino’ng matatakbuhan?
Sino’ng kasamang ito’y lampasan?
Sino’ng kayang umakay?
Oh, aking tahanan, payakap naman

Maski bali-baliktarin man
Sila pa rin, sila pa rin
Talikuran ka man ng mundo
Sila’y ‘di maglalaho, sila pa rin

Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Isang tawag mo lang
Pamilya mo’y nandiyan

sila pa rin
(Ooh) sila pa rin

Pamilya mo’y nandiyan

Leave a Reply

Your email address will not be published.