Kontrol

Nakakita ka na ba
ng mga pekeng pagkataong umaaligid sa’yo?
Nakasagap ka na ba
ng mga balitang ‘yun pala’y ‘di totoo?

Pindot doon, pindot dito
Komento agad, ‘di naman alam buong kuwento mo.
Ganito na ba ang sistema?
Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa?

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin,
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba.
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti,
pero huwag masyadong mawili.
Ikaw ang kumontrol..
Hindi ikaw ang kokontrolin..

Nakakabahala man ang paligid na ginagalawan,
‘Di dapat dumepende sa mga materyal na bagay lang
Isip muna bago magdedisyon, para tama ang solusyon
nang hindi magsisi at umiyak sa bandang huli.. Kasi…

Pindot doon, pindot dito
Komento agad, ‘di naman alam buong kuwento mo.
Ganito na ba ang sistema?
Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa?

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin,
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba.
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti,
pero huwag masyadong mawili.
Ikaw ang kumontrol..
Hindi ikaw ang kokontrolin..

na sa dulo, ‘di mo na kayang bitawan
kasi nasanay kana (nakasanayan mo na)
wag sanang dumating sa puntong ‘di mo na kilala maski sarili mo
kasi nawala ka na (huli na ba?)

Dapat ang henerasyon natin nakatuon sa realidad padin,
‘Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba.
Lahat ng bagay ay gamitin sa buti,
pero huwag masyadong mawili.
Ikaw ang kumontrol..
Hindi ikaw ang kokontrolin..

Hmmmm ohhh…
tararara…

Kaya mag-ingat ka sa mga pekeng pagkataong umaaligid… sa’yo