Ulan Ng Kahapon

Nung mga panahong magkasama tayo
Panay ang tanong mo’ng “Mahal mo ba ako?”
Ba’t nag-aalinlangan pa ang puso mo?
Hindi pa ba ako sapat sayo?

Binalot ng lungkot ang mundo
At bumuhos ang ulan sa’king mga mata

Ulan Ng Kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na sana ika’y kapiling
Ulan Ng Kahapong puno ng sakit
Iniwan lamang sa isang idlip
Ulan Ng Kahapon

Darating din ang bagong umaga
Ang bagong umagang sa isip ay wala kana
Ulan ng kahapo’y maghihilom na
At bakas ng sakit ay lilisan na

Binalot ng lungkot ang mundo
At bumuhos ang ulan sa king mga mata

Ulan Ng Kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na sana ika’y kapiling
Ulan Ng Kahapong puno ng sakit
Iniwan lamang sa isang idlip
Ulan Ng Kahapon

Nabubura na ang mga alaala
At ito’ng bagong panimula

Ulan Ng Kahapon ang iniwan sa’kin
Ang kahapon na nagbigay lakas sa akin
Ulan Ng Kahapong wala nang sakit
May guhit na ng ngiti sa mga labi
Ulan Ng Kahapon