Categories
Jamir Garcia

Paraiso

Paraiso lyrics by Jamir Garcia

Stanza I:
Tumapak sa mundo na mapaglaro
Nang walang takot at kaba
Mga paa’y hinihila na pababa
Hindi ako patitinag

Refrain:
Masilaw man sa liwanag
Kainin man ng dilim
Malayo man ang tahakin
Ano mang kaharapin
Handang lumaban maabot ka lamang

Chorus:
Nasugat, napuwing, nasunog na sa init
Gumapang sa putik marating ko lang ang paraiso
Nauhaw, nalusaw, kumawala sa lubid
Sinisid and dagat marating ko lang ang paraiso

Stanza II:
Mapaglinlang ang tadhanang nakatakda
Naliligaw sa paligid
Mga hakbang ay unti unting bumibigat
Ngunit hindi tumitigil

Refrain:
Masilaw man sa liwanag
Kainin man ng dilim
Malayo man ang tahakin
Ano mang kaharapin
Handang lumaban maabot ka lamang

Chorus:
Nasugat, napuwing, nasunog na sa init
Gumapang sa putik marating ko lang ang paraiso
Nauhaw, nalusaw, kumawala sa lubid
Sinisid and dagat marating ko lang ang paraiso
Marating ko lang ang Paraiso

Stanza III (Rap):
Padating na ang kalaban
Bala’y nagliliparan
Ang lahat ay iniwasan
Marating ko lang ang kabayanan
Handa kong paghirapan
Kahit makipagsiksikan
Sa mundong masikip kahit mahagip ng lupit at pait
Nasubok na ang tapang
Kahit sinong humarang
Isa-isang bumabagsak
Ubos na ang kalaban
Binuksan ko ang pintuan
Ang lahat ay nagtakbuhan
Ako’ng natira, wala ng iba, ubos na sila
Handang lumaban maabot ka lamang

Chorus:
Nasugat, napuwing, nasunog na sa init
Gumapang sa putik marating ko lang ang paraiso
Nauhaw, nalusaw, kumawala sa lubid
Sinisid and dagat marating ko lang ang paraiso
Marating ko lang ang Paraiso

Leave a Reply

Your email address will not be published.