Categories
Rico Blanco

Pinoy Tayo

Pinoy Tayo lyrics by Rico Blanco

Lahat tayo’y may pagkakaiba
Sa tingin pa lang ay makikita na
Iba’t ibang kagustuhan
Ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala
Kung sino ka man talaga

Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako
Pinoy tayo

‘Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda
Wala namang perpekto
Basta’t magpakatotoo
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala
Kung sino ka man talaga

Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang -iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako
Pinoy tayo

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala ring mangyayari
Kung ika’y laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man ang mangyari
Ang lagi mong iisipin
Wala kang ‘di kayang gawin

Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako
Pinoy tayo
Pinoy ako
Pinoy tayo

Leave a Reply

Your email address will not be published.