Categories
CHNDTR SCYE

PARU-PARO

PARU-PARO lyrics by CHNDTR, SCYE

Verse 1:
magdamag na nasa kama at hindi mapakali
nagtawag na ng kasama para maisantabi
iinom nalang ng alak kesa aking maalala
mga naninirahan kalat sa aking guni-guni,

dama bawat sandali
tsokolateng nakabahid sa ngiti
ang nagiging pamantayan at mistulang salamin
ng pagiging masaya, yan ang sabi ng iba
palibhasa ay wala ka sa aking mga paa

mga traumang naranasan aking nilalabanan
kala mo ay natakasan biglang maglalabasan
at kakainin ng buo ang puso’t isipan
matira matibay, diyos ko po ako’y pinaligiran

balewala ang mga lait, pati ang halakhakan
di ko na nga magawang magalit, halimaw ang kalaban
kaluluwa ay kinakaret na ba ni kamatayan?
magisa lang ako pero tangina bakit andaming nagtatawanan

Chorus:
ang buhay ba’y nagbibiro? ako’y nalilito
takbo ng oras, ‘di ba hihinto?
lumilipad, paru paro
kapayapaan, hanap hanap

Verse 2:
panibagong araw parang gusto ko na kaagad matapos
dumikit na mga kalawang sa luma kong sapatos
nakalimutang may sikmura pa ng dapat makaraos
pagkatapos maghilamos ang trabaho ko’y tinapos at

higaan ay inayos, kumain at natulog
bigla nalang ginapos sa bangin ako’y nahulog
ipapaliwanag ko sana kaso parang di ko kaya
na ipasa ang umay at basura kong napulot

sinubukan ko na dati, walang naniniwala
baka wala silang ideya, na talagang namiminsala
sa panahong umatake, gamot iniiwasan at
parang nananginip, kaluluwa’y binibitawan

mga bulong, nagsisigawan, sa duda ay nabalot
nakakulong naiingayan, nalula na sa takot
mailap ang kapayaan, para kong dinadaya
panginoon lang ang sandalan, kaya ko kinakaya

Chorus:
ang buhay ba’y nagbibiro? ako’y nalilito
takbo ng oras, ‘di ba hihinto?
lumilipad, paru paro
kapayapaan, hanap hanap

Bridge:
Sa dami ng mga tanong sa isipan hindi na mabilang
Paulit ulit na lang ang nangyayari
tulungan nyo ako

Chorus:
ang buhay ba’y nagbibiro? ako’y nalilito
takbo ng oras, pinahihinto
lumilipad, paru paro
ang kalayaan, hawak hawak

Verse 3:
gulong gulo aking isipan
masyado nang malalim napakaraming iniisip
di na balanse at alanganin, di ko masabing kakayanin
parang ang layo kung lalakarin, napakahassle, patawad panginoon pero baka
magkita na tayo, di ka malayo sakin napapa-amen
pero bago ang lahat may sasabihin, huling habilin
patawad sa lahat, ang gagawin koy kasalanan
binigay ko ang lahat, ilang taon kong tong nilabanan
pero di pa rin sapat

Leave a Reply

Your email address will not be published.