Categories
Gabo Gatdula

Sa Pag-Ikot Ng Araw

Sa Pag-Ikot Ng Araw lyrics by Gabo Gatdula

Ang bukang liwayway
Ng ating pagsasama
Sana’y di nagwakas
Ang pagnakaw sa sandali
Ang siyang sumira
Sa kasigl’an ng umaga

Oh ‘di mo ba nararamdaman?
Ang pighati nang ika’y lumisan.
Oh, mahal ko
Sana’y ‘di naglaho
Sa dapit-hapon
O pagsara ng pinto

Nararamdaman mo ba ang paghaplos ng alon? Ang kaluskos ng mga dahon
Sa dagundong ng puso’y umayon
Chorus:
Oh ‘di mo ba nararamdaman?
Ang pighati nang ika’y lumisan.
Oh, mahal ko
Sana’y ‘di naglaho
Sa dapit-hapon
Pabago-bagong yugto

Kabisa pa’ng bawat kilos
Bawat segundong umagos
Tiyak bawat hakbang
Bawat tingin ay nakatuon sa ‘yo
Outro:
Sa pag-ikot ng araw
At sa dapit-hapon
Sana’y hindi maglaho

Leave a Reply

Your email address will not be published.