Categories
Kiyo YVNG PE$O

Puyat

Puyat lyrics by Kiyo, YVNG PE$O

Ang tanong, bakit ba ikot ikot? ‘di na nakatulog nalutang
Puyat nanaman, ang isip ko saan kaya matatagpuan
Ligaw ang aking sarili, binibilog bilog la’ na bang katapusan?
Daming dinanaan na pasikot sikot, yan ang ‘di nila alam

Para saan ba?
Para saan pa?
Pagbangon sa umaga
Ang dami nang chansang
Nasayang ayokong tumandang
Tatawaging nakatsamba
‘O kaya ay nasayang
Lahat ay planado hindi ito freestyle
Dati ayaw ko sa daytime
Minsan ang hirap na din na itago
Kahit pa sa pic naka peace sign
Ilang taon na din dami na ngang nangyare
Ilang taon na din akong lumalagare
Dami ko naiwan dami din nagbagong mga pare ‘di bale
Pero ganon talaga
Pag tumatagal nagkakaroon ng mga kanya kanyang gusali
Ganon pa din naman
Ako pa den ito
Busy lang siguro
Katulad mo din akong minsan nalilito
Minsan napipikon
Minsan natutuliro
Minsan nabibigo
Minsan lumiliko
Tulad mo lang din akong
Tao lang din ako
Tao lang din ako
Tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako
Tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako
Tao lang din ako na tulad mo
Tao lang din ako
Tao lang din ako na tulad mo
Gigising sa umaga gagawa ng pera parang kahapon lang
Dami daming oras hawak ko sa palad pero pero nasayang lang
Iba ang tadhana kapag nagbiro
Madaming lagusan maraming pinto
Karanasan ang nagsilbing guro
Usok sa isipan kong magulo

Ang tanong, bakit ba ikot ikot? di na nakatulog nalutang
Puyat nanaman, ang isip ko saan kaya matatagpuan
Ligaw ang aking sarili, binibilog bilog la’ na bang katapusan?
Daming dinanaan na pasikot sikot, yan ang ‘di nila alam
Ang tanong, bakit ba ikot ikot? di na nakatulog nalutang
Puyat nanaman, ang isip ko saan kaya matatagpuan
Ligaw ang aking sarili, pero di papayag ng ganon nalang
Gagawa ng paraan, parang kahapon lang
Parang kahapon lang
Parang kahapon lang
Parang kahapon lang

Teka hindi pa tapos Lumagare
Lam mona bakit
Pabili ‘ko ng ticket sa sasakyang rocket
Papuntang langit
Pero hindi pwedeng huminto
Mamarka parang tatttoo
Sinasabi kona jusko po
Ano meron sa likod ng pinto
Marka na dulot ng pagkabigo
Patunay na nasa laro
Palaban to pre yeah nasa dugo
Bitbit ko aking mga kapulo
Kaya mula noon hangang ngayon
Init inipon na parang mayon
Kaya pag buga lahat kayo baon
Ratatata parang bagong taon
Hinga ng malalim talon sa balon
Iba na ako ngayon subok na ng panahon
Katagang dinura may kasamang aksyon
Mga pangarap pumapanahon
Squad ko legit beterano sa street
Eat sleep get that peso repeat
Take notes mga kids when i preach
Ma Mama told me that i need to get rich
Kasi pangarap magarbo
‘Di pwedeng matalo
Para may laman ang plato
Laging ganado sa bawat panalo

Tulala sa papel hawak ang panulat
Iterno mga salita buuin ang pangungusap
Lapis man mabali o ang tinta man kumupas
Kapag galing sa puso tiyak tanda ng utak
Laki sa hirap, uhaw sa buhay
Sinuway magulang
Walang patnubay
Sariling ruta
Sakay mga tunay
Ginto sa putik
Tagal mahukay
Walang dapat na patunayan, nandito pa ako yun ang patunay
Mulat ang diwa
Mata mapungay
Alam na kulang
Di pa mahusay
Maliit na bagay nagpupugay
Dami ko pa na gustong gawin
Alamin, gusto kong bahay na salamin
Bumili nang di na tumingin
Ma, kahit anong gusto mo sige kuha
Hindi maghihintay magkukusa
Palitan ng saya mga luha
Ingat sa nakakasalamuha
Sobra sila ‘di ka nagkulang
Sobra sila ‘di ka nagkulang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *