Categories
Gloc-9 Yuridope

SARANGGOLA

SARANGGOLA lyrics by Gloc-9, Yuridope

Kay tagal ko nang dalangin
mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Sinasambit mo ang pangalan
Mga kamay ko ay hawak mo
Walang kasing tumbas na yaman
Ang pagkakataong ito

Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis

Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga ala-ala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
kung hindi sa piling ko bitawan mo

Huwag umalis ang sinasabi
Lahat ay gusto mong mabawi
Mga nadarama’y nahati
Kilala mo pa ba ako?
Sa ala-ala nakatali
Salita na sari-sari
Na galing sa’yong mga labi
Patalim na itinarak mo

Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis

Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga ala-ala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
kung hindi sa piling ko bitawan mo

Sa huling pagkakataon
ikaw paring ang rason
Kung bakit ba ako nasa
alapaap ngayon
Andami dami kong
gusto sana na itanong
Pero kung nandito na’ko
balewala na din ang ‘yong tugon

Mangyari na ituon!
Nalang ang pansin!
Sa mga sumbat na huling
maririnig na mula sa akin
‘Di pa man ako nawawala bakit
ba ambilis mo agad tanggapin,
nawalan ng pag-asa
ba masalba!
Bagay na gustong-gusto
kong sagipin
Yun nalang naman ang dahilan
kung ba’t pa’ko nabubuhay!
Sa mundo ko ay kumukulay!
Ikaw na gusto ko sanang makasama ko
hanggang sa kabilang buhay
Tila hinatud mo ‘ko dun sa,
dapat ko na higaang hukay,
kinulang ba’ko o lumabis
sa paglalambing
eh bakit naumay?

‘Yan lang ang katanungan
kong nais magkasagot
Paliwanag na magpapaatras
sa’kin sa liwanag! Sumalubong!
Pero malamang kung,
nais mong tulungan ako!
Makabangon ikaw ay nandirito!
Tuwing mapapatalon ako
sa saya o lungkot
ikaw ang dahilan nito

Hanging saking pisngi na kay sarap
Kahit mga halik mo’y nagpanggap
Haba ng biyahe ko’y patapos na
Bumilang ka ng segundong lima

Na parang saranggola na
Hinihila pababa
Mga ala-ala nating dalawa
Sana ay mahanap mo
Ang tunay at totoo
kung hindi sa piling ko bitawan mo

Kay tagal ko nang dalangin
mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito

Kay tagal ko nang dalangin
mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito

Leave a Reply

Your email address will not be published.