Categories
Emman

Simula feat. Awi Columna, Kiyo, Alisson Shore

Simula feat. Awi Columna, Kiyo, Alisson Shore lyrics by Emman

[Intro: Emman]
Pwede ba na ibalik muna sa simula
Dami na kasi nag-iba

[Verse 1: Awi Columna]
Ibang-iba na, amnesia pa ang dinala
‘Di ko na kayo kilala, nakakabigla
Espasyo na mas lumala, pinaglayo ba ng sadya
‘Yung samahan natin, magkaiba na ng hangarin
May kanya-kanya ng pasanin, parang bituin
Ang labo niyo nang abutin, pahirapan humiling
Kasama sa inuman kahit na saglit lang
Magkakuwentuhan at para mapakinggan ang isipan
Kung sa panahon na mas napilitan pang isinilang
Ang sensitibong puso at utak kong na mapalinlang, palihim lang
Mula nang ‘di na tayo nagkasama ng maliwi
‘Di ko malaman kung inip o nilamon ng inggit
Kayo nga bang nagbago o hindi ko lang naisip
Umuusad kayo, ako’y naiwan at naipit

[Pre-Chorus: Alisson Shore]
Ilan araw ng nawala at nabura
Parang ‘di pa yata kaya
Kaya’t pwede bang

[Chorus: Emman]
Pwede ba na ibalik muna sa simula?
Dami na kasi nag-iba
Pwede ba iba na’ng maunang mag-umpisa?
‘Di pa kasi ako handa

[Verse 2: Kiyo]
Kamay na orasan ay ibalik ko sana nung tayo sa gitna
Kasi nakakapagod din maging malakas
At kung ako parang ngayon gusto ko nang lumabas
Sana nga ganon lang talaga kadali
Hinahanap ko ang daan ko pabalik (Pabalik, pabalik, pabalik, pabalik, pabalik)
‘Eto na ba ‘yung gustong puntahan, bakit parang hindi?
‘Pag iniisip lang lumalala, gusto makita mga ngiti mo (Mo, ohh)
Babalik at babalik nang pabalik nang pabalik sa’yo

[Pre-Chorus: Alisson Shore]
Ilan araw nang nawala at nabura
Parang ‘di pa yata kaya (‘Di kaya)
Kaya’t pwede bang

[Chorus: Emman]
Pwede ba na ibalik muna sa simula?
Dami na kasi nag-iba
Pwede ba iba na’ng maunang mag-umpisa?
‘Di pa kasi ako handa

[Bridge: Emman]
Ahh, nasa’n ka na?
Ikaw ay nandito, kailangan kita
‘Wag ka nang mangamba
‘Pag nahulog, may sasalo ba?

[Verse 3: Alisson Shore]
‘Di ko na mabilang ang panalangin
Kung meron pa bang sasagip sa akin
{?} at lungkot na idinulot nakatalukbong, nakakumot
Unan na basa ng luha, ang sasalubong sa’king diwa’t
‘Di pa ‘ko makapaniwalang ‘di ka na kayang balikan
Pwedeng ulitin ko na lang

[Chorus: Emman]
Pwede ba na ibalik muna sa simula?
Dami na kasi nag-iba
Pwede ba iba na’ng maunang mag-umpisa?
‘Di pa kasi ako handa
Pwede ba na ibalik muna sa simula?
Dami na kasi nag-iba
Pwede ba iba na’ng maunang mag-umpisa?
‘Di pa kasi ako handa

[Outro: Emman]
Pwede ba na ibalik muna sa simula?
‘Di pa kasi ako handa

Leave a Reply

Your email address will not be published.