Teka Lang

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
‘Wag ka sanang mainis, panahon natin, mabilis
Sandal mo muna sandali, ‘di naman nagmamadali, ‘di ba?

Dantay ka muna sa ‘kin, beh
Sulitin natin ang gabi
Iyong mga problema’y itabi
Labi mo sa akin, idampi

Kahit anong lalim, aking sisisirin
‘Di na mabibitin pa sa aking gagawin

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako’y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na ‘to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Dahan-dahan ka lang, ngayon alam ko naman
Hanggang dito ka lang, kalaban ang orasan
Pa’no na ‘ko ‘pag gabi? ‘Di sanay ng walang katabi
Sandal mo muna sandali, ‘di naman nagmamadali kaya

Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako’y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na ‘to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

Oh, pwede bang magpahinga muna saglit?
(Dahan-dahan lang)
Oh, pwede bang magpahinga muna saglit?
(Dahan-dahan lang)