Categories
King Badger

SRRY

SRRY lyrics by King Badger

‘Di na asang mapatawad mo pa
Dami ng maling nagawa
Sa sorry ko baka matawa
Dahilan kaya ‘di na tinangka
Sorry na kasi hindi naman perpekto
Tao lang ako sadyang meron din depekto
Sorry na ulit mali kung ‘di pa nakuntento
Sana tayo pa kung natutunan kung pumreno

Sadyang merong mga bagay tayong sa huli
Na pagsisihan kung uulitin pa ulit
Talagang matigas ang ulo
Parang ayaw matuto
Madami nakapagsabi nakawawa ka sa dulo
Pero ‘di nakinig ngayon sa’n ako pupunta
Kung lahat na sila parang gusto na ‘kong isumpa
Mabilis nawala ‘yung ikaw kaya tutungga
Na nangako hanggang sa sahig ay tumumba

Para ‘di na maalala pa mga bagay na sinayang ko
Nung ikaw ay nasugatan
‘Di ka naingatan, lahat kasalanan ko
At alam ko na mahirap na
Na ako’y paniwalaan mo
Masakit din naman sa’kin ‘to
‘Yun ang gusto ko lang na malaman mo

‘Di na asang mapatawad mo pa
Dami ng maling nagawa
Sa sorry ko baka matawa
Dahilan kaya ‘di na tinangka
Sorry na kasi hindi naman perpekto
Tao lang ako sadyang meron din depekto
Sorry na ulit mali kung ‘di pa nakuntento
Sana tayo pa kung natutunan kung pumreno

Nahihirapan ka alam ko rin naman
‘Di mo man sabihin ‘yan
Alam ko ding umiiyak ka na naman
At ako ang dahilan
Gusto ko sanang patawanin
Kaso madalas pang paluhain
Puro galit ang naihain
‘Di na magawa pang pahupain
‘Di na binabalak na kuhanin
‘Yung tiwala mo sa akin na inamin
Basta lagi na ingatan ang sarili
Pwede mo ba na gawin ‘yon para sa’kin?

Para ‘di na maalala pa mga bagay na sinayang ko
Nung ikaw ay nasugatan
‘Di ka naingatan, lahat kasalanan ko
At alam ko na mahirap na
Na ako’y paniwalaan mo
Masakit din naman sa’kin ‘to
‘Yun ang gusto ko lang na malaman mo

‘Di na asang mapatawad mo pa
Dami ng maling nagawa
Sa sorry ko baka matawa
Dahilan kaya ‘di na tinangka
Sorry na kasi hindi naman perpekto
Tao lang ako sadyang meron din depekto
Sorry na ulit mali kung ‘di pa nakuntento
Sana tayo pa kung natutunan kung pumreno

Sayang ‘di ko nagawang tuparin
‘Yung pangakong ‘di ka papaiiyakin
Ngayon ‘di na alam ang gagawin
Dahil ‘di ka na sa’kin babalik
Dapat tayo pa sana, sana ulit
Dapat ako pa sana, kung nagpakabait
Dapat tayo pa sana, sana ulit
Dapat ako pa sana, kung nagpakabait

‘Di na asang mapatawad mo pa (‘di na)
Dami ng maling nagawa (sobrang dami na)
Sa sorry ko baka matawa (sorry, sorry)
Dahilan kaya ‘di na tinangka
Sorry na kasi hindi naman perpekto
Tao lang ako sadyang meron din depekto
Sorry na ulit mali kung ‘di pa nakuntento
Sana tayo pa kung natutunan kung pumreno

Sorry na kasi ‘di naman perpekto
Tao lang ako sadyang meron din depekto
Sorry na ulit mali kung ‘di pa nakuntento
Sana tayo pa kung natutunan kung pumreno

Leave a Reply

Your email address will not be published.