Categories
MidSummer

Tayo Pa Ba

Tayo Pa Ba lyrics by MidSummer

Ito na ba ang kahinatnan ng distansiya nating dalawa
Gabi’y puno ng alitan
Mga maling laging binabalikan
Panaho’y tila walang hanggan
Paghihintay na walang katapusan
Pag-alala’y ‘di mabigyang kabuluhan
Pag-ibig mo’y ‘di madarama

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Gusto kitang yakapin
Gusto kitang maramdaman
Magkabilang-mundo ating pagitan
‘Di pa siguradong babalik ka pa
Gusto kitang kausapin
Gusto kitang mapakinggan
‘Di man lang magawang ako’y bigyan ng oras mo
Puro teka, puro mamaya, hanggang sa makalimutan

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa

Sa iba ka na masaya
Paano mo nakakaya (ngumiti kahit wala ako)
Paano mo natitiis habang ako’y pilit lumalaban
Sa pag-ibig nating dalawa

Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa
Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa
Sabihin mo, ako pa ba
Ang nagmamay-ari ng puso mo
Aminin mo, tayo pa ba
Linawin mo, baka ako na lang mag-isa
Sabihin mo
Whooaaaah…

Leave a Reply

Your email address will not be published.