Categories
December Avenue Moira Dela Torre

Kung ‘Di Rin Lang Ikaw

Kung ‘Di Rin Lang Ikaw lyrics by December Avenue, Moira Dela Torre

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa

Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sating dalawa

Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Kaya bang umibig ng iba?
(Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?)

Papayagan ba ng puso kong ibigin ka?
(Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *