Categories
Itim Na Ulap

Origami

Origami lyrics by Itim Na Ulap

Ako’y bangkang papel na naglalayag sa gitna ng iyong mga dahilan
maalat na dagat ng kasinungalingan
Mga bituing papel sa langit kong tanaw iyong sinisilaban
Kasamang naabo ang mga kahilingan
Sakaling mawala ang usok, pwede ba muling sumubok?
Sakaling mawala ang usok, Paano pa kaya ulit titibok?

Chorus:
Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado, ang iyong palad kasabay
nag paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway.

Sa eroplanong papel ay nakasaad ang pangakong di pahahadlangan
kasamang lumipad ang mga kahilingan
Sa pagbulusok ay nahulog sa lapag malapit sa iyong paanan
pinulot at hinagis sa di kalayuan

Sakaling mawala ang lukot, pwede ba muling sumubok?
Sakaling mawala ang lukot..

Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado, ang iyong palad kasabay
nag paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway.

Punit na puso kong nahulog sa iyong mga kamay
Iginuhit na litrato pilasin natin ng sabay
Unti-unti mong sinarado, ang iyong palad kasabay
nag paglukot mo sa puso kong papel sabay kaway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *